Abante Tonite Interactive

Shabu sa diaper nabulatlat sa Naia

505

Nabuking ang pagdadala ng iligal na droga sa isang Palau national makaraang makumpiska­han ng halos 60 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang bote at nakabalot sa diaper sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang suspek na si Mike Taman, 47-anyos.

Base sa report, alas-7:30 nang gabi paalis na sana ng bansa ang dayuhan sakay ng United­ Airline flight UA 192 sa NAIA terminal 3 nang madiskubre ang dala nitong 59.5 gram na shabu na may street value na P404,600, na nakabalot sa diaper matapos itong dumaan sa final security checkpoint sa nasabing paliparan.

Depensa ng dayuhan ay ipinadala lang daw sa kanya ng isang kaibigan ang nasabing diaper at hindi niya alam na may laman itong shabu.

Ayon kay NAIA PDEA Chief Jerald Javier, aa­lamin nila kung sino ang may- ari ng nasabing droga. (Armida Rico)