Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu sa peanut butter modus ng preso

0 172

Huli ang isang lalaki na nakatakda sanang magpuslit ng umano’y shabu na nilagay sa bote ng peanut butter sa kai­bigang nakakulong sa Dumaguete City Police Station (DCPS) noong Huwebes.

Kinilala ng DCPS ang suspek na si Jerry Joseph Mamicpic, residente ng Barangay Mangnao ng nasabing siyudad.

Ayon kay DCPS chief-of-police P/Lt. Col. Joeson Parallag, pumunta si Mamicpic sa DCPS deten­tion cell upang bisitahin ang isang kaibigan na nakapiit. May dala itong tinapay at bote ng peanut butter.

Noong inspeksyunin ang kanyang dala, nakita umano ang pinaghihina­laang shabu na nakahalo sa botelya ng peanut but­ter.

Ang hinihinalang sha­bu ay nagkakahalaga ng P6,800 at nakabalot sa masking tape.

Kaya naman ikinu­long din sa DCPS jail si Mamicpic at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.