Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu sinahog sa adobo bistado

0 66

Natuklasan ang nasa 35 sachet ng hinihi­nalang shabu na isiniksik sa mga laman ng manok maging sa sili ng adobo na ipadadala sana sa loob ng Davao City Jail male dormitory nitong nagda­ang Martes.

Nakumpiska ng Bu­reau of Jail Management and Penology (BJMP) sa suspek na si Richard Cay­bot ang umano’y shabu na nagkakahalaga ng P256,000 matapos na inspeksyunin ang dala niyang adobong manok at ‘humba’ bilang ‘paabot’ sa kulungan.

Agad din siyang in­aresto ng Talomo Police Station at inihahanda na ang kasong isasampa la­ban sa kanya.

Nagbabala naman si BJMP chief Jail Director Allan Iral sa mga pami­lya ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga preso na madadamay sila at makukulong din kung magdadala ng kontra­bando at sasali sa mga iligal na gawain.

“Mahirap na po ang sit­wasyon natin ngayon dahil sa pandemya kaya huwag na po sana kayong guma­wa pa ng anumang pagla­bag sa batas,” ani Iral.

“Hindi po kayo maka­kalusot dahil lalo kaming mahigpit ngayon hindi la­mang dahil sa pandemya kundi alam naming may­roong ilan na magsasa­mantala sa sistema ng ‘paabot’ sa aming mga pasilidad,” dagdag niya.

Matatandaan na ni­tong Hunyo, anim naman na sachet ng shabu ang nakatago sa loob ng isang basketball na hinagis sa compound ng Davao City Jail male dormitory. (Kiko Cueto/ Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.