Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu supplier, SK chair tiklo sa Pasay

0 177

Arestado ang isang babaeng supplier umano ng shabu at isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya, Lunes ng gabi, sa Pasay City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Eleonor Odtuhan, alyas ‘Madam’, 35-anyos, na lider umano ng Odtuhan Drug Group, na nagsu-supply ng iligal na droga sa lungsod, at Archie Gabriel, 23, SK chair ng Barangay 189 ng nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi nagsagawa ng buy-bust ang pulisya laban kay Odtuhan sa Pasay City public market. Nakabili umano ng P500 shabu ang poseur buyer pero nakuhang makatakbo ng suspek at makapasok sa loob ng bahay ni Gabriel.

Tinanggi ng SK chair sa mga humahabol na pulis na nasa loob ng kanyang bahay si Madam subalit may ilang saksi na nagsabing nasa loob ang target kaya pumasok ang pulisya at naaresto ang suspek.

Nakuha umano mula kay Odtuhan ang pitong gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P53,000 at buy-bust money. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.