Abante Tonite Interactive

Shaina hinamon ang fans na kamuhian siya

By
3,237

INAMIN ni Shaina Magdayao na ang role niya bilang Samantha sa Asintado ang pinaka-challenging role niya sa isang teleserye. It took quite sometime bago siya masanay sa nasabing role. Mula sa look, make up, nuances at pananamit, ani Shaina, bago sa kanya.

“‘Yung pilot week, madali pa. Pero nu’ng nagsimula nang mag-progress ang character ni Samantha, nahirapan ako. Ang hirap maging bad,” sabi ni Shaina.

Inamin din ni Shaina na in all her past teleseryes, lagi siyang mabait.

“And by nature, kilala niyo naman na hindi ako madaling magalit. Eh si Samantha, iba! Ibang-iba sa akin,” kuwento pa ni Shaina.

Malaking tulong ang mga direktor ni Shaina para kapitan niya ang character.

“Kasi kung ako, bibitaw ako. Mahusay ang pagtutok nila Direk sa characterization.

“Imagine, umabot sa point na pag-uwi ko, talagang kailangan kong alisin sa mind ko si Samantha. Hindi ako ‘yon,” sabi ni Shaina.

Is Shaina ready sa magiging negative reaction ng tao sa kanya sa Asintado?

“Ready naman, dapat kamuhian talaga nila ako, hahaha!”

Ngayong Lunes na ipalalabas ang Asintado, pagkatapos ng It’s Showtime.

‘Asintado’ answered prayer kay Aljur

FIRST teleserye ni Aljur Abrenica ang Asintado­ sa ABS-CBN. Pero he was prepared by the network sa challenges­ na haharapin niya when he moved to ABS-CBN last year. He did a role in Ang Probins­yano, kung saan nakatrabaho niya sina Coco Martin at iba pang cast.

Binigyan din siya ng episode sa Wansapanataym at sa MMK.

And finally nga ay ibinigay na sa kanya ang first ever teleserye niya sa Kapamilya network.

“‘Yun ang sinasabi ko, kumbaga sa war, I was armed. Ready. ‘Yun ang ginawa sa akin ng ABS, they made sure na ready ako, they gave me active workshops, tapos. ‘Yung mga direktor ko sa Asintado, they all gui­ded me, and have been guiding me sa role ko.

“Marami akong na­tutunan ngayon sa craft ko. Lalo na sa mga co-stars ko sa Asintado. Nakaka-challenge tala­ga. Kailangan mong gawin ang homework mo. Kailangan pagda­ting sa set, ready ka. It’s really a learning experience having the production, my directors and my co-stars na nakakasama mo almost everyday sa taping,” sabi ni Aljur.

For Aljur, being a Kapamilya now came at the time he needed work.

“Ang perfect talaga ng timing. Answered prayer. I am grateful. Thankful. I am not gonna let people down. I will continue doing my job great, and will keep lear­ning.”