Abante Tonite Interactive

Shaina, Jake, Denise mananakot ngayong Pasko

599

Humanda para sa isang Paskong puno ng mga makabuluhang aral at kababalaghan sa pagbabalik-telebisyon nina Denise Laurel, Jake Cuenca at Shaina Magdayao sa “The Haunted”. Mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula ngayong Disyembre 8.

Iikot ang kuwento ng “The Haunted” sa mapagmahal na inang si Aileen (Shaina) na susubukang makipag-ayos sa asawang si Jordan (Jake) para sa kapakanan ng kanilang anak na si Angel.

Haharap pa ang pamilya sa marami pang nakakasindak na problema.

Magsisimulang maghasik ng kasamaan ang multo na siyang muling susubok sa relasyon nina Aileen at Jordan.

Mangibabaw kaya ang pagmamahal ng isang ina upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya? O tuluyan nang mawawasak ang pamilya dahil sa multo ng nakaraan?

Tampok din sa Dreamscape Entertainment production sina Alex Castro, Victor Silayan, Sheenly Gener, Ruby Ruiz, Ingrid dela Paz, Simon Ibarra, at Rita Avila. Idinirek naman ito ni Manny Palo.

Sundan ang mga misteryong pumapalibot sa “The Haunted”, tuwing Linggo, 8PM, sa ABS-CBN. (Roldan Castro)