Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shaina mahigpit na kalaban ni Nora

0 292

ROMMEL PLACENTE: Marami sa mga nakapanood sa advance screening ng pelikulang Tagpuan, official MMFF entry sa MMFF 2020 ang nagsasabing napakahusay ni Shaina Magdayao.

Kakaibang akting nga raw ang ipinamalas niya rito, malalim, pang-Best Actress ang dating.

Malaki raw ang magiging laban ng dalaga kay Nora Aunor sa Best Actress category sa gaganaping MMFF awards night.

Kahit raw napakahusay ni ate Guy sa movie niyang Isa Pang Bahaghari, huwag raw munang pakakampante o pakakasiguro ang mga tagahanga ng nag-iisang Superstar dahil nga sa hindi matatawarang akting na ipinamalas ni Shaina sa kanilang pelikula.

Well, what if kung si Shaina nga ang tanghaling Best Actress sa MMFF Awards Night at hindi si ate Guy, ano kaya ang mararamdaman ng mga Noranians? Pero si Sylvia Sanchez ay may entry ding movie sa MMFF na Coming Home.Alam naman nating isa rin siyang award winning actress, kaya siguradong sa movie nila ni Sen.Jinggoy Estrada ay mahusay rin siya.

Kaya talagang hindi pa rin natin masasabi kung sino nga ba ang papalarin na tanghaling Best Actress sa darating na taunang Pista ng Pelikulang Pilipino. Abangan na lang natin kung sino ang papaboran ng mga hurado.

RODEL FERNANDO: Walang duda na magaling na magaling na artista si Shaina Magdayao. Bata pa naman kasi siya ay award winning na. Kinilala na ang kahusayan bilang child star noon sa 1996 PMPC Star Awards for TV bilang Best New Female TV Personality sa programang Lyra at noong 2000 sa FAMAS as Best Child Actress sa pelikulang Wansapanataym. Hindi nakakapagtaka na hanggang sa pagtanda ay dala-dala niya ang galing niya sa pag-arte.

Sa pelikulang “Tagpuan”, base sa feedback ng mga nakapanood ay mahusay raw ang pagkakaganap ni Shaina. Sabi-sabi’y puwede siyang manalo ng award sa Gabi ng Parangal ng MMFF. Ang problema lang, tulad ni Michael de Mesa sa Isa Pang Bahaghari ay kung saan siya ilalagay. Sa lead ba o sa supporting pero bahala na ang mga hurado ng MMFF dito?!.

Anyway, goodluck na lang kay Shaina sa movie nila ni Alfred Vargas at Iza Calzado. Sana kumita rin ito para makagawa uli ang producer at makaalala sila sa mga tumutulong sa kanilang press.

MILDRED BACUD; Sa akin naman mga ka- Cuatros under rated si Shaina. Habang tumatagal humuhusay na rin talaga siya sa pag-arte.Kung ilang beses na niya tayong napaiyak sa mga episode na ginawa niya sa MMK.Dito nga raw sa pelikulang Tagpuan ay kakaiba ang role niya. Palaban, wild at mapangahas. As in kumawala sa comfort zone niya ang aktres.

Good reviews and feedback sa acting ni Shaina pero alam naman natin matitindi rin ang mga katunggali niya sa Best Actress award, yun ay kung dun ba siya mano-nominate.Depende kasi sa mga jurors, nangyayari rin kasi na nalalagay sa Best Supporting Actress. Lahat naman kabado lallo’t ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ay may entry, ang Isa Pang Bahaghari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung sa supporting malalagay si Shaina feeling ko mas malakas ang tyansa niyang manalo.

ROLDAN CASTRO: Given na ‘yung husay ni Nora sa Isa Pang Bahaghari.

Pero may mga festival din na natatalo siya ng mga baguhan.

Although, malakas talaga ang laban niya base sa nakita ko. Walang kupas ang kanyang mga mata.

Napanood ko na rin ang ‘Tagpuan’ sa advance screening nito. Congrats kay Direk Mac Alejandre dahil binigyan niya tayo ng isang magandang pelikula na isinulat ni Ricky Lee.

Todo puri ko si Shaina sa movie dahil bagong akting ang nakita ko sa kanya. Ibang Shaina ang mapapanood. Rebelasyon! Mahusay!

Posibleng malusutan niya si ate Guy sa best actress depende sa panlasa ng mga hurado.

Feeling namin hindi pang-supporting ang role niya sa haba at bigat ng kanyang role .

Naka-focus sa kanya ang buong kuwento sa Hongkong habang kay Iza naman sa New York.

Silang tatlo nina Alfred Vargas at Iza Calzado ang bida sa movie.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.