Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shaina ‘pakakasalan’ ni Piolo

0 471

Hindi ba’t nakalipas na at di na dapat balikan ang tsismis kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao?

Hindi makakailang reunited and it feels so good ang dramarama di ba? And now we are starting over again ang emote? At hindi ito what do we mean to each other na am I lover or am I a friend na pagtatanong ito?

At pag nag-inarte silang they are just “comfortable” sa isa’t-isa at hindi porke magkasama sila sa larawan ay sila na muli, ang reaksyon lamang mula sa mga maricon na todong-todo na ang paniningkit ang mga mata, liars go to hell and back! Ayan! May sumpa na ang mga bekibel! Ang savage! Hahahaha!

Well, well, well… kung sina Piolo at Shaina na nga ay may matatamis na lambingan, hayaan na natin. Bulbulin sa silang dalawa kaya tiyak alam na alam na nila ang nararapat sa kanilang relasyon.

Naway si Magdayao na nga ang babaing pakakasalan ni Piolo para naman ekis na siya sa most elusive bachelor list, huh! At binatang-binatang borta na ang unico hijo niyang si Inigo Pascual kaya dapat na magkaroon na ito ng kapatid , hindi ba naman?

Maine nangangamoy Mrs. Atayde

Siguro naman, hindi na ngangawa at wala na ang suklam at poot sa puso ng mga AlDub fandoms. Nagbabadya na a kasi ang pagiging Mrs. Juan Carlos Atayde ni Nicomaine Dei Mendoza.

May ganitong pangmalakasang pahayag kasi si Atayde patungkol sa kanyang sinisinta: “Ang sa akin naman po, obviously, I’m not wasting time. And at the same time it’s ahh…sobrang mahal ko po ’yong tao, e…totoo. I’m very sincere and, you know, I’m just going with the person every day. And if that’s the question, my answer to that is yes, of course. Napag-uusapan na ’yan. We’re at the right age, we’re not getting any younger and we’re both very happy. And hopefully, until we get old. Ito na po ’yon. I think so. Haha!’

Sabi pa ni Arjo: “To me, she’s a very loving person, mabuti ang puso niya. And that’s also very hard to find, ‘yung sincerity ng tao. Grabe magmahal. Grabe talaga. ‘Di ko ma-explain. I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It’s a different understanding… I think I found a best friend, partner, nakakausap ko with no hindrance being myself.”

Kapag ganiyang may mga proklamasyon na sila ay wasto na ang gulang, hindi na bumabata at talagang maligaya, ano pa nga ba blooming ang kasunod na kabanata nito

Kaya ngayon pa lang, mabuhay ang bagong kasal, Arjo Atayde at Maine Mendoza!

Leave A Reply

Your email address will not be published.