Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shaina pantasya ni Enchong

0 136

Naging panauhin ni Jessy Mendiola si Enchong Dee sa kanyang vlog sa episode nitong “Mukbang and Bukingan with Enchong”.

Sa kanilang tsikahan, maraming naisiwalat na sikreto ang chinito actor sa bukingan episode ng vlog.

Ani Enchong, totoong nagkaroon daw siya ng crush sa kanyang mga naging leading ladies.

Katunayan, sa mga nakapareha raw niya, laging niyang hinahanap ang mga katangian na maa-attract siya sa mga ito. Nagagamit daw niya ito para mapabuti ang kanyang craft bilang actor.

Hindi naman niya ikinaila na crush niya si Shaina Magdayao.

May mga pagkakataon nga raw na laging niyang nami-miss ito .Humahanap nga siya ng paraan para lang makausap ito.

Aniya, hindi raw naman ito lihim dahil alam daw ito ng aktres.

Gayunpaman, tulad ng ibang leading ladies niya, nananatili raw silang matalik na magkaibigan.

Tungkol naman sa mga nagsasabing kuripot siya, maiintindihan daw naman ng mga tao ang ginagawa niyang pagsusumikap dahil ang pagtratrabaho daw niya ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na sa pamilya niya.

Dagdag pa niya, binibigyan lang daw niya ng halaga ang hard-earned money niya kaya masasabing masinop siya pagdating sa pananalapi.

Sa social media, tatlong bagay raw ang hindi niya ibinabahagi: ang kanyang mga problema, ang kanyang pananalapi at ang kanyang mga relasyon.

Naging panuntunan daw niya ito dahil gusto niyang maging pribado sa mga aspetong ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tungkol naman sa tsismis o isyu tungkol sa kanya, turnoff daw siya kapag may kumakalat na rumors na na-involve siya o meron siyang sugar mommy o kayaý gay benefactor.

Sey niya, hindi puwedeng mangyari iyon dahil malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang self-worth.

Malaki rin daw ang respeto niya sa kanyang mga pinaghihirapan.

“I have high respect for my hard work and professionalism. Iyong mga indecent proposal…hindi ko siya ma-take. I don’t need anyone’s money. It’s something na nakakadiri sa akin,” ani Enchong.

Chito , Neri cheap ang pakulo

Maraming netizen ang nainis sa mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig dahil pumayag ang mga ito na maging bahagi ng isang cheap gimmick.

Sa kanya kasing Instagram post, nag-emote ang Parokya ni Edgar frontman .Inakala ng mga netizen na may pinagdadaanan sila ng misis na si Neri.

Katunayan, marami pa ang nakasimpatiya kay Chito dahil sa kanyang hanash.

Marami pa ang nasorpresa dahil nakarating pa sa programa ng beteranong broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang umanoý problema ng mag-asawa.

Pinag-usapan ito sa programa at nagtrending ang umanoý pagrereklamo ni Chito sa kanyang kabiyak.

Later, nalaman na lang na part pala ng isang promotional ploy para sa isang fabric softener ang kanilang dramarama.

Marami rin ang naloka sa sumunod na post ni Chito para lang i-promote ang nabanggit na produkto at the expense of his followers.

May humirit na magaling daw palang artista ang mag-asawa dahil napabilib nito ang netizens sa kanilang away kuno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.