Abante Tonite Interactive

SHAINA, TAOB KAY JASMINE

By
28

BEST ACTRESS si Jasmine Curtis Smith para sa kanyang lesbian role sa indie film na Baka Bukas, isa sa sampung competition films sa 2016 Cinema One Originals film festival.

Tinalo ni Jasmine sina Nathalie Hart (Tisay), Shaina Magdayao (Lily) at Peewee O’Hara (Si Magdalola at ang mga Gago) sa nasabing kategorya.

“Mabuhay ang LGBT community! Kaisa n’yo ako whether or not I am,” ang bulalas ni Jas sa kanyang acceptance speech.

Nanalo rin ng Audience Choice award ang Baka Bukas na dinirek ni Samantha Lee.

Hindi namin ito napanood dahil laging soldout ang screenings nito.

Alam na naming ito ang makakakuha ng Audience Choice dahil nagpakita ng puwersa ang lesbian aud­ience, na nagpapa-block screening pa ng Baka Bukas.

Very proud si Anne Curtis sa kanyang younger sister na si Jasmine.

Mas matagal na sa showbiz si Anne, pero tila mas marami nang napanalunang acting awards si Jas kesa sa kanya.

Shaina Magdayao
Shaina Magdayao

Tinanghal na Best Actor si Rocky Salumbides (Lily) na kinabog sina JC de Vera (Tisay) at Khalil Ramos (2 Cool 2 Be 4Gotten).

Proud girlfriend si Eula Valdez sa kanyang hunky boyfie na si Rocky.

Best Supporting Actor ang Hashtags member na si Jameson Blake na may eksenang nagpakita ng puwet at nagbatibot sa 2 Cool 2 Be 4Gotten.

Mas mahaba ang role ng baguhan ding si Ethan Salvador kesa kay Jameson, pero mas mapangahas at mas dark ang karakter ng tisoy na PBB housemate.

Hindi si Jameson ‘yung Hashtags member na napapabalitang may scandal photo at Batibot Bidyo na kumakalat.

Bale may isa pa silang kamiyembro na may scandal pics din.

Tinalo ng 19-anyos na Fil-Am newbie sina Joel Torre (Tisay), Ricky Davao (Si Magdalola at ang mga Gago), Kristoffer King (Si Magdalola at ang mga Gago) at Ethan Salvador (2 Cool 2 Be Forgotten).

Best Supporting Actress ang isa pang baguhan, si Natileigh Sitoy para sa horror thriller na Lily.

Best Picture ang 2 Cool 2 Be 4Gotten ni Petersen Vargas, na isa pang malakas sa audience dahil sa tema nitong kabadingan.

Dinaig ng nasabing coming-of-age movie ang apat pang nominado na Tisay, Lily, Baka Bukas at Every Room is a Planet.

Best Director si Keith Deligero (Lily), Best Documentary ang Forbidden Memory ni Teng Mangansakan, Jury Prize ang Si Magdalola at ang mga Gago ni Jules Katanyag at binigyan ng Special Citation ang People Power Bombshell: The Diary of Vietnam Rose ni John Torres.

Champion Bughaw at technical awards for Best Music at Best Production Design ang nakuha ng Tisay ni Borgy Torre.