Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shaira bagong babae ni Ruru

0 291

NI: ROLDAN CASTRO

Naluha si Shaira Diaz nang ipaalam sa kanya na siya ang napiling leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming action-adventure series ng GMA Public Affairs na “Lolong”.

Napanood ang girlfriend ni EA Guzman na talagang nagulat at napaiyak pa nang sabihin sa kanya na siya ang magiging kapareha ni Ruru.

Noong una raw ay akala ni Shaira ay nasa online screen test siya para sa nasabing role. “Nahirapan ako via Zoom na umarte pero sobrang nagpapasalamat ako sa prod, sa Public Affairs for choosing me,” pagbabahagi ng Kapuso star.

Nagpost din si Shaira sa kanyang social media account kung saan inamin niyang dream role niya ang makasama sa isang action-adventure series. Malaki rin ang pasasalamat niya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.

“Matagal ko ng pangarap ang action, simula palang nung nagstart ako sa industriyang ito. Kaya sobra nalang ang pag-iyak ko nung sinabi nila na ako ang napili para gumanap sa role na yun.”

Hindi kaya pagselosan ni EA si Ruru? Ganoon din si Bianca Umali kay Shaira?

Just asking!

Leave A Reply

Your email address will not be published.