Abante Tonite Interactive

Shaira malaki ang hinaharap

1,422

Malakas ang dating ng 21 year-old na si Shaira Marie Rona na noong 2018 ay itinanghal na Miss Mandaluyong. Siya rin ang kumatawan sa naturang lungsod para naman sa Miss Millennial Philippines.

May kakaibang taglay na alindog si Shaira at makikita ito sa kanyang latest Instagram post. Suot ang one piece swim suit, mabibistahan ang kariktan dito ng dalaga.

Ang makurba niyang katawan at katakam-takam na legs ay hindi kayang isnabin ng mga barako. Ang katulad kasi ni Shaira ay madalas maging laman ng pantasya ng maraming pilyong kalalakihan..

Si Shaira ay tubong Pampanga at kasalukuyang nakatira sa Mandaluyong City. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor’s degree in Human Resource Development Management sa Rizal Technological University.

Siya ay isa sa mga nagbabalak subukan ang kanyang kapalaran sa Bb. Pilipinas 2020. Marami na rin siyang beauty contest na sinalihan, pero so far ito ang pinakamalupit sa lahat.

Dahil pang-beauty queen talaga ang tindig, si Shaira ang tipo ng babae na kapag nakasalubong ng sinomang kalahi ni Adan, tiyak na mapapalingon.

Ang kakaibang lakas ng sex-appeal ni Shaira ang kanyang magsisilbing susi para masungkit ang koronang inaasam . Malaki talaga ang hinaharap niya sa pageant para makasungkit ng korona. (Nonie Nicasio)

Tonite – Wendys Inhouse Ad