Abante Tonite Interactive

Shaira sinorpresa ng mga fan

423

By Roldan Castro

Speechless ang “Love You Two” star na si Shaira Diaz sa super cute surprise party na inorganisa ng kanyang fans para sa kanyang kaarawan. Todo pasasala­mat ang aktres sa kanilang suporta at pagmamahal. Masaya rin siya dahil naka-bonding niya ang kanyang supporters. Samantala, patuloy ang pag-arangkada sa TV ratings ng “Love You Two.” Bentang-benta sa mga netizen and viewer ng programa. Kilig na kilig sila sa mga eksena nina Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion at Shaira! Gabi-gabi pa itong trending sa social media.

#AnditoLangKamiALDEN, #SafeSkiesALDEN nag-trending nationwide

Walang humpay ang suporta ng fans ni Alden Richards para sa kanilang idol. Gamit ang #Andito­LangKamiALDEN at #SafeSkiesALDEN, nag-trending ito nationwide at pinadama ng kanyang fans ang kanilang pagmamahal para sa aktor. Jetsetter nga kung maituturing si Alden dahil pagkatapos ang halos isang buwang pamamalagi sa Hong Kong para sa shooting ng movie niya with Kathryn Bernardo, nag-concert naman siya sa New York kasama ang iba pang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Betong Sumaya, at The Clash champion Golden Cañedo sa King Arts Theatre.