Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shalala pumanaw sa edad na 61

0 105

NI: ROLDAN CASTRO

NAGLULUKSA ang showbiz sa pagpanaw ng komedyante-tv host na si Shalala. Binawian siya ng buhay dahil sa cardiac arrest.

Si Shalala o Carmelito Reyes sa tunay na buhay ay yumao sa edad 61.

Maraming kasamahan sa showbiz ang nakiramay at nagbigay ng mensahe sa kanilang social media account.

SM food to go Banner Ad

Sumikat si Shalala dahil binigyan ng break ng yumaong Kuya Germs na maging co-host sa radio. Binigyan din siya ng segment sa “Master Showman”.

Mas lalo siyang nakilala nang maging host ng showbiz oriented talk show na ‘Juicy’. Naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang mga blind item.

Nakagawa rin ng ilang movie si Shalala at nagbida sa “Echoserang Frog”.

Nag-start siya bilang advertising and promotions coordinator ng Viva Films at iba pang movie outfit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.