Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shalani walang paramdam kay Pnoy

0 308

NI: ARCHIE LIAO

Ilang kibitzers ang nang-uurot kay Shalani Soledad, dating politician, co-host ni Willie Revillame at ex ng namayapang dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Wala raw kasi itong post ng pakikiramay kumpara sa mga babaeng na-link sa former president sa kanyang social media account.
Nagtataka ang ilang netizen kung bakit tahimik ito sa pagkawala ng ex. Ayaw naman nilang isipin na may hindi maganda sa kanilang pinagsamahan.

Hirit ng ilang tagapagtanggol ng dating politiko, low profile raw si Shalani at hindi ganoon kaaktibo sa social media.
Maaaring pinili lang nitong maging pribado ang pakikiramay sa mga Aquino. Respeto na rin siguro sa kanyang mister na si Pasig City Representative Roman Romulo.

Actually, kinukumpara kasi si Shalani sa mga dating naugnay kay Noynoy na nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw niya gaya nina Barbara Milano,Liz Uy, Grace Lee , Korina Sanchez at Bernadette Sembrano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.