Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shamcey pina-Tulfo ng mga tauhan sa resto

0 489

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mga tauhan sa restaurant ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.

Reklamo ng mga empleyado, 6 months na raw silang na-lay-off sa trabaho because of the pandemic pero wala pa raw silang natatanggap na separation pay.

“Six months na po kasi ‘yung lay-off ng work namin, sir. Pero as of now, sir, wala man lang pong paramdam sa ‘min si company sir, kung ano po bang status meron kami, sir. Kung may babalikan pa kaming trabaho or wala na po,” pahayag ni Benedict Angeles, isa sa mga empleyado.

Pero ang ibang empleyado ay binigyan naman daw ng 4 hours na duty in 3 days at kung hindi raw matatanggap ng iba ay magpa-force resignation ang kumpanya.

Ayon naman kay Raffy, wala raw siyang nakikitang masama sa pagbibigay ng trabaho kahit 4 hours lamang dahil at least ay ginagawan ng paraan na magkaroon pa rin sila ng trabaho.

SM food to go Banner Ad

Pero ‘yung mga na-lay-off na wala na talagang trabaho ay dapat daw bigyan ng separation pay.

Kumonsulta rin si Raffy sa DOLE (Department of Labor and Employment) at ayon kay ASEC Jojie Aragon, dapat daw ay magkaroon ng komunikasyon at agreement ang empleyado and employer.

Willing daw ang DOLE na gumitna sa pagitan ng employees and employer para pag-usapan ang problema.

Hiningan din ni Raffy ng pahayag si Shamcey at ang asawa nitong si Peter Lloyd Lee pero parehong ayaw daw magsalita ng mag-asawa at ayon sa handler ng mga ito ay sa DOLE na lang daw sila makikipag-ugnayan.

Bukas ang panig nina Shamcey at mister nito sa ikakalinaw ng isyu.

(Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.