Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Shame campaign’ ni Diño labag sa batas – Roque

0 460

Supalpal sa Malacañang ang nais mangyari ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na ilunsad ang `shame campaign’ laban sa mga COVID-19 patient na ayaw sumailalim sa quarantine facility ng gobyerno.

“Lalabag tayo sa privacy law na isang batas. Pero, sang-ayon naman kay Usec (Jonathan) Malaya, hindi `yan ang polisiya ng DILG,” sabi ni Roque sa virtual presser na inere ng PTV-14 nitong Lunes.

“Rerespetuhin pa rin natin ang privacy ng mga magkakasakit bagamat kinakailangan i-report sa DOH [Department of Health] `yon mga nagkakasakit, pero hindi naman po para isapubliko ang kanilang pangalan,” ayon pa kay Roque.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.