Abante Tonite Interactive

Shame victim itinapon sa Pasay

By
May masking tape sa mukha ang biktima ng summary execution na nakilalang si Jaime Ong Bayaca, nang matagpuan sa isang tulay sa Road 10, Tondo, Maynila kahapon ng mada­ling-araw. (Patrick Adalin)
5

Isa na namang hinihinalang biktima ng salvage ang itinapon sa isang madilim na lugar sa lungsod ng Pasay kahapon ng madaling-araw.

Wala pang pagkaka­kilanlan ang bangkay ng lalaki, subalit na may tattoo itong  ‘Jojo’ at ‘Miko’ sa kanan at kaliwang hita, na­kabalot ang ulo nito ng packaging tape at iniwan ang isang papel na nakasulat ang mga katagang “holdaper na adik, wag tularan!”.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Sr./Supt Nolasco Bathan, dakong alas-tres ng madaling-araw nang matagpuan ng mga nagrorondang guwardya sa kahabaan ng Macapagal Avenue ng naturang lungsod ang bangkay at kaagad na ipinagbigay alam sa kanila ang insidente.

Blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima na itinapon lang sa naturang lugar.

Binubusisi na rin ng pulisya ang close circuit television (CCTV) came­ra kung nakuhanan ang pagtapon sa bangkay ng biktima upang malaman kung sino ang mga taong responsable sa insidente.