Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shangri-La Boracay sinara: 16 staff nadale ng COVID

0 88

Pansamantalang tinigil ng Shangri-La Boracay Resort and Spa ang kanilang operasyon matapos magpositibo sa COVID-19 ang 16 sa kanilang mga staff.

Nabatid na hindi muna tatanggap ng mga guest ang resort mula Enero 22 hanggang Enero 28.

“All affected guests will be contacted personally, and we will assist them with alternative arrangements. During this time, we will conduct further deep cleaning and disinfection of the resort,” pahayag ng Shangri-La Boracay.

SM food to go Banner Ad

Pawang mga asymptomatic umano ang mga nagpositibong staff na nilagay na kasalukuyan nang naka-quarantine

Sinabi naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na tutulungan ang mga guest nito na madala sa iba pang establisimyento.

“The DOT encourages the prompt treatment of affected workers and backs the temporary closure of establishments concerned for general disinfection procedures as part of the health and safety protocols,” ayon pa kay Puyat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.