Abante Tonite Interactive

Shanti Dope ipapatawag ng OPM

516

tonite-this-is-it-roldan-castroBan na diumano ang bagong kanta ni Shanti Dope na “A­matz.”

Ito’y dahil sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Naniniwala sila na ang lyrics ng kanta ay nagpo-promote umano sa paggamit ng marijuana at shabu.

Abante Hiring – IT dep

May hakbang bang gagawin ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) para mabago ang pag-ban sa latest single ni Shanti?

Ayon kay Gary Valenciano, hinihintay nila ang pagbabalik ng OPM President na si Ogie Alcasid na nasa ibang bansa.

Importante raw na mag-meeting ang mga opisyal ng OPM para malaman kung ano ang hakbang na kanilang gagawin. Sa lalong madaling panahon ay mag-uusap sila kasama sina Noel Cabangon, Christian Bautista, Dingdong Avanzado atbp.

Kung may nangyari kasing ganyan, posible pa ring maulit ito sa larangan ng musika.

Posibleng ipatawag din nila si Shanti. Kailangan nilang suriing mabuti ang naturang kanta lalo na kung paninindigan ng rapper na hindi tungkol sa bawal na droga ang tinutukoy niyang ‘amatz’.

Base sa lyrics ng kanta, wala naman daw itong ini-encourage. Kailangang ipaglaban pa rin ang freedom of expression na nasaklawan nito. Although, kung ano raw ang nasa Constitution ay ‘yun ang sundin.

Pero ipinagdidiinan ng kampo ni Shanti na high sa music daw ‘yun at hindi sa droga.

Pati ang Concerned Artists of the Philippines o CAP ay umalma sa desisyon na ito ng PDEA. Hindi raw nila saklaw na maging critic ng music.
Award!
***

‘The Clash 2’
may pa-audition

Ngayong Linggo, May 26, ay may audition ang “The Clash Season 2” sa Acti-vity Area ng NCC Mall Buhangin in Davao City mula 10AM to 6PM.
Ang competition ay open sa male and female Filipinos, amateur and professional, 16 years old and above.
Ang mga mag-a-audition ay magdala ng original and photocopy ng kanilang birth certificate at recent photo (4R half body). Maghanda rin ng dalawang kanta para sa audition at minus-1 na nasa USB flash drive.
Talbog!
***

Belladonnas,
Clique V
magpapasaya
ng mga bata

Magaan ang su­werte sa Clique V at Belladonnas dahil mahilig sila sa charity. Talagang sumusuporta sila sa mga proyekto na nagpapaligaya sa mga matatanda at bata.
Kamakailan ay nakasama sila sa home for the aged para kumanta at magbigay-aliw.
Ngayong Linggo, nasa “Sarap Saya ng Kainan Prog-ram” ang dalawang grupo sa San Vicente Camarin Cove-red Court para sa Children’s Fun Day (Diego & Friends).
Hindi ipinagdadamot ni Ma’am Len Carrillo ng 3:16 Events and Talent Management Company ang talento ng mga alaga niya pagdating sa charity.
Tingnan mo naman, may magandang mangyayari rin sa tatlong miyembro ng Clique V at Belladonnas na hindi pa puwedeng sabihin, pero malaking break ito sa kanilang career.
Puwede naman kasi silang gumawa ng solo project para makatulong din sa grupo na umingay. Kumbaga, dala rin nila ang group sa tagumpay nila.
Boom!