Abante Tonite Interactive

Shaq petmalung DJ

512

Habang nakatengga ang hosting sa TNT dahil suspendido ang NBA bunga ng coronavirus, nasa bahay lang si Shaquille O’Neal.

Pero hindi siya uupo lang sa isang tabi, panonoorin ang sariling highlights sa YouTube.

Nagkaroon ng pagkakataon si Shaq na ilabas ang kanyang DJ’ing skills.

Mahusay rin dito ang NBA great, hindi aakalain na ang malaking katawan niya at taas na 7-foot-1 ay may husay sa mixing.

Madalas maimbitahan si Shaq sa mga events para mag-perform, kilala nga siya bilang DJ Diesel.

Naka-quarantine, nagawa pa ring mag-concert ni Shaq. Sa kanyang bahay – sa kanyang kitchen, sa kitchen counter ng asawa.

Sa ibinahagi niyang video, nagmi-mix si Shaq, bigay-todo naman sa katatalon at kasasayaw ang mga anak na sina Shareef at Shaqir at kaibigan ng mga ito. May sumasampa pa sa counter.

Party-partaaaaay!

“We gotta do this when we’re with my dad.. my mama don’t play that,” komento ni Shareef.

Kapansin-pansin ang taas ng kisame ng bahay ni Shaq. Nakalistang 6-9 si Shareef, tumuntong sa counter pero hindi umabot ang ulo sa ceiling.

“Don’t be down. Be safe love y’all. O’Neal boys kitchen concert,” caption ni Shaq. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad