Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shari’ah Bar: 71 pumasa sa 654 nag-exam

0 223

Inanunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Miyerkoles ang resulta ng 2020 Special Bar Examinations para sa Shari’ah Courts kung saan 71 lamang ang nakapasa mula sa 654 na kumuha ng pagsusulit noong Enero 19 at 26, 2020.

Kabilang sa top 10 sina Mocsir, Mohammad Hisham M. (87.075%); Saidamen, Ramayana D. (86.975%); Marangit, Mohammad Mojib D. (85.075%); Paglala, Julamin A. (84.625%); Pumbaya, Ainah M. (83.525%); Ali, Sittie Ainah M. (83.200%); Mamarungas, Nasihah S. (82.075%); Abubacar, Johari C. (82.025%); Panandigan, Raima P. (81.100@); at Taha, Nornisah M. (80.950%).

Lumalabas na 10.8% ang passing rate sa naturang pagsusulit na pinamunuan ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar B. Dimaampao.

Ayon kay Dimaampao, ito ang second-lowest passing percentage sa kasaysayan ng Shari’ah Bar Examinations matapos maitala ang 7.69% passing rate noong 1983. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.