Abante Tonite Interactive

Sharlene-Nash tinitilian ang dikitan

532

Kasalukuyang palabas sa mga sinehan ang Beb Gohetia’s Class of 2018 mula sa T-Rex Entertainment. Sina Sharlene San Pedro, CJ Navato at Jomari Angeles, nakadaupang palad at kausap namin sa Tambayan ng Tsika Tonite , online show ng Abante Tonite kasama ang mga ka-tambayang Nonie Nicasio at Rona Ronda (Avecilla).

Ilang bahagi ng aming pana­yam sa tatlo. Ang reaksyon ni Sharlene sa suporta sa tambalan nila ni Nash? “Nakakatuwa kasi kaunting dikit lang namin, sigawan na sila, tuwang-tuwa na sila. Hinintay nila talaga ito. Sobrang tagal din naman kasi galing kami sa mga ibang love team. Finally, ‘yung wish nila, nakuha na nila.”

May pagkakapareho ba sila sa mga katauhan nila? Sharlene: “Malayo ang character niya sa akin, sobrang tahimik niya, lahat kinikimkim niya, nasa loob. Ako kasi makulit, ibang-iba talaga kami.”

CJ: “Mahilig rin ako sa mga information. ‘Yung sa mga puwedeng ganito iyan, puwedeng mangyari iyan. Pero sa totoo, very comical na tao ako eh.”
Jomari: “Next question, please. Hahaha.”

Tinatanong ko nga kay Direk Bebs kung may ganu’n ba talaga…. hmmm, mas religious ako kesa fucc­boi.”

Kamusta ang mga action sequence? Sharlene: “Wala naman kaming formal training, pag shoot na, andiyan na ang nagtuturo sa amin.”

Mahusay siyang humawak ng baril? Sharlene: “‘Yung sa paghawak ng baril, may ninong kasi akong nasa military. Nagpa-firing kami so ‘yung baril na ginamit namin sa pelikula, nahawakan ko na.”

CJ: “Ang daming habulan, nakakapagod. Pulos pawis kami sa mo­vie. Mabababait ang mga fight scene teachers namin.”

Dagdag kuwento ni Sharlene, “‘Yung suntok kay Nash, kung totoo iyon, baka may pasa na siya o sabog ang nguso niya. Limang oras yata ang filming nun tapos first time ni Nash sa building. Last take na ‘yun bago kami mag-lunch. Si Direk Bebs ang naglam­bing na kunan muna namin. Nagkataon, good take.”

Kamusta naman ang mga long sequence at paulit-ulit na mga eksena? CJ: “As an actor, challenging talaga siya kasi nga hindi maiiwasan na you have to do the scenes over and over again. Dapat talaga ang mentalidad mo sa shoot, alert, focused.

Jomari: “Para lang mas mahirap maging authentic kung paulit-ulit ang eksena. Lalo na kung may mga eksenang iyakan. Pero ‘yung mga action sequence na laging long shoots, tanggap naman ‘yun. Pag wala ka sa eksena, pahinga ka na lang sa station mo para ma-preserve ang energy.”

Reunion ng ‘Goin’ Bulilit’

Ano ang pakiramdam na ang Goin’ Bulilit kids, nag-reunion sa Class of 2018? Sharlene: “Ako, nagulat. Nu’ng binasa ko na ang summary ng script, sabi ko maganda, bago ito. Fresh. Wala pang nakakagawa nito. Nu’ng malaman ko na kasama ko sila, mas na-excite ako. Ni-look forward ko na. Alam ko kasi na kahit gabi na, matagal na ang shoot, masaya pa rin. Lahat kami, naging family na talaga.”

CJ: “Mas lalo akong ginahan na first time kong gagawin ang isang role sa kakaibang movie na kasama sila.”

Jomari: “Nakakatuwa, kasi pinapanood ko sila dati!”

Buwelta na ni Sharlene: “Parang nu’ng bata ka pa, di pa ako pinapanganak. Hahahaha!”

Kristel naghahabol kay CJ

Favorite scene nila? Sharlene: “‘Yung eksena namin ni Nash. Ang dami kasing nangyari dun.CJ: “‘Yung eksena sa bus. Kasi dun, pinakita kung paano kami pinag-isa para talagang mag-work ang eksena.”

Jomari: “‘Yung mga survivors, medyo cheesy pero ‘yung nag-vow sila na magtutulong-tulong na magkakasama sila hanggang sa dulo.”

Reaksyon ni CJ sa mainit na pagtanggap sa tambalan nila ni Kristel Fulgar: “Sobrang natuwa ako. Ang tagal na nilang inabangan kasi napapanood kami na pulos kanta lang. Marami ring natuwa na siya naman ang naghahabol sa akin First time na na makikita na ganun kami.”

Jomari ayaw magpadikta sa ibang tao

Bakit kailangan panoorin ang Class of 2018? Sharlene: “Marami silang matutuhan sa movie lalo na dun sa hindi dahil sa patapon ka wala kang purpose sa life. Kailangan talaga na maramdaman mo yung nasa ibaba ka muna para magsumikap ka at makarating ka hanggang sa dulo.”

Jomari: “Huwag kayong magpapadala sa dikta ng ibang tao. Hanapin mo ang purpose mo.”

CJ: “Change is always there, it is good and anyone can change for the better.”
Kung may mga kaibigan kayong katu­lad ng mga katauhan niyo, humingi ng payo, anong payo ang ibibigay niyo sa kanila?

Sharlene: “‘Yung kagaya ni Ada, ang hirap kasi magulang iyan eh. Siguro, kailangan na ibigay ko ang support sa kanya and let her know na I am here. Sarado kasi si Ada. Ayaw niyang magpapasok ng tao sa buhay niya. Lahat tinatago niya. Lahat kinikimkim niya sa loob. Kung may ganun, gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang maging okay.”

CJ: “Sasabihin ko sa kanya na bitawan mo ang computer. Get a grip of your life, of reality. Parang magiging kuya lang ako. Sampalin kita saglit para magising.”
Jomari: “Pumili ka na lang, ‘yung isa dapat tanggalin na niya. Dapat walang grey area.”
O, ‘di ba the future is indeed bright para kina Sharlene San Ped­ro, CJ Navato at Jomari Angeles dahil matatalino sila, magagaan kausap at pursigido pa sa craft nilang maging mahuhusay na artista.