Abante Tonite Interactive

Sharlene nasulot si Donny kay Kisses

1,090

Finally, nagsalita na si Kisses Delavin tungkol sa status ng love team nila ni Donny Pangilinan, sa kanyang social media account pagkatapos ng matagal na pananahimik.

Sey niya, humihingi siya ng paumanhin sa kanyang “social media blackout.”
Ginawa raw niya ito pagkatapos na makarating sa kanya na may ongoing plan ang DonKiss supporters na mag-rally sa ABS-CBN para ibalik ang kanilang partnership.

Bagama’t naiintindihan daw niya ang nararamdaman ng kanilang mga fan, mas mabuti na raw na malaman ng mga ito ang tunay na estado dahil deserved daw ng mga ito ang katotohanan.

Abante Hiring – IT dep

Paliwanag pa niya, matagal na raw tapos ang “DonKiss” love team.
Hirit pa niya, hindi raw siya pabor sa fandom war ng DonKiss supporters at ng iginu-groom na bagong ka-love team nito.

Ayaw rin daw niyang malagay sa sitwasyon kung saan ang dalawang babae ay mag-aaway sa isang kapareha.

Gayunpaman, wala raw siyang sama ng loob at sa halip ay nagpapasalamat siya kay Donny sa suportang ibinigay nito noong magka-love team pa sila.
Dahil sa naging post niyang ito sa social media, maraming netizen ang naki-sympathize sa kanya.

May mga disappointed din sa kinahinatnan ng kanilang love team.
Meron ding netizens na imbudo kay Sharlene San Pedro, na bagama’t hindi tinukoy ni Kisses ay sinasabing bagong ka-love team ni Donny na kasama niya sa MYX bilang veejay. (Archie Liao)