Abante Tonite Interactive

Sharon binati si KC

By
3,144

Finally, binati ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang anak na si KC Concepcion. May mga fan na naiyak, natuwa, na-touched sa ginawang ito ni mega. Matatandaan na may chism na may gap diumano ang mag-ina pero walang kumpirmasyon.

Nu’ng Mother’s Day bumati sa IG si KC pero nga­yong Miyerkules lang nagbigay ng mensahe si Sharon sa anak. Nag-post siya ng video na kuha sa show niya. Kumanta siya at inihandog niya kay KC.

“My life’s work and the name I worked so hard to build over four decades will NEVER mean more to me than you. My Kristina. I love you with all my heart, my #1. @itskcconcepcion”.

Nag-react naman ang mga netizen sa post na ito ng Megastar.

@gracie_from_canada, “Favorite part ko po ito mama sharon. Super Nakaka Iyak.”

@gens_lyn_, “sharoncunetavideosOh, so sweet mudra @reallysharoncuneta so cute Kristina @itskcconcepcion #Baby1.”

@detteski888, “Super cute ni KC, so touching.”

@olrac_gnarihgam, “Awww…Ate Sha @reallysharoncuneta ,ate Janette is crying because of this!”

@yuane18,Damang dama ko po pagmamahal niyo sa inyong mga anak. Saludo po aq sa inyo. Kaya marami talagang totoong nagmamahal sa inyo .”

@roshiigpit25, “Omg..that is so sweet..this is the message that I keep on waiting for..kasi nababasa ko Ang mga mensahe ni @reallysharoncuneta kay Angeline and Kay heart I get hurt sa nabasa ko na Wala man lng kay kc..now I’m happy..yeheyyy… @itskcconcepcion.”

@richelforro,”Grabe nman yung mga bashers pag ng comment. Kahit po anung sasabihin ni Shawie @reallysharoncuneta na love nya ang iba. Obvious nman po na mas Mahal nya anak nya at alam na alam yun ni @itskcconcepcion . Syempre yan ang unang Anghel na binigay ni Lord sa kanya eh. Sa mga bashers dyan. Wag kayung patutsada ah. Papansin kayu eh. God bless sa Family nyu po. Ms. SHAWIE”

Nora kabado sa ‘Onanay’

Pumirma ng kontrata ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa GMA 7 para sa upcoming primetime drama series, Onanay.

“Napakasaya ko po dahil binigyan ako ng pagkakataon ng GMA 7 na magkaroon ng bagong show. Gusto ko ‘yung teleserye at maganda ‘yung istorya. Tungkol ito sa kung paano magmahal ang isang ina sa isang anak, at kung paano ipagtanggol ang isang anak ng ina,” deklara niya.

“Dahil sa tagal na hindi ako gumawa ng mga ganitong serye, kabado po ako at dito sa bagong show, ‘yung mga bata na ang nakakasama ko. May kaba pero excited din dahil maganda ang kwento,” dagdag pa niya.

Kasama ni Nora sa cast sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Ms. Cherie Gil, Gardo Versoza, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral, Enrico Cuenca and special guest si Adrian Alandy. Ipinapakilala naman ang bagong Kapuso star na si Jo Berry na dumaan sa audition para sa role na Onay.

Quinn pambato ng Belladonas

Marami sa press people ang nakapansin na carry ni Quinn Carillo na maging leader ng all female group na Belladonnas.

Nakikita nila na siya ang may pinaka may dating sa grupo, matalinong sumagot nu’ng presscon-launching. Talented din ito kaya kinikilala na Beyonce ng grupo.

Ang ganda rin ng kulay ni Quinn. May character para sa Belladonnas.

Bagama’t anak siya ng Presidente ng 3:16 Events and Management Company na si Ms. Len Carillo, hindi naman siya binibigyan ng special treatment. Pantay-pantay ang trato sa kanilang magkaka-grupo na kinabibilangan din nina Chloe, Rie, Xie, Jazzy, Phoebe at Stiff. Kahit siya ay kailangang sumunod sa patakaran at pagdidisiplina sa grupo.

Masuwerte ang Belladonnas dahil parang anak ang trato sa kanila ni Ms. Len.

Ginastusan talaga ang grupo kagaya ng all male group na Clique V. Nagkaroon sila ng dance lesson kina Mia Pangyarihan ng Sex Bomb Dancers at Do­nald Balbuena. Nag-voice lesson naman sila kay Sweet Plantado-Tiongson ng The Company at sumalang sa acting workshop kay Direk Emman dela Cruz.

May pelikula na rin ginagawa ang Belladonnas kasama ang Clique V kaya abangan ang pasiklab nila sa acting.

Magtatapos si Quinn ng electronic and computer engineering. Naurong ang pag-OJT niya sa abroad dahil sa dami ng commitments ng Belladonnas. Sa August na raw siya aalis at makikipag-compete din siya sa USA sa July para sa Miss Cinderella USA.

Talbog!