Abante Tonite Interactive

Sharon, Cherie sinariwa ang nakaraan

234

May tatalo pa ba sa pagiging emosyonal ni Megastar Sharon Cuneta?

Parang wala yata. Hindi ba, kaunting remembering of the past, hearing a tune na humahaplos sa puso niya, galak dahil sa isang pangyayari o lungkot na sadya o hindi sinasadya, on cue, she can cry buckets.

At siyempre, ‘pag tumutulo na ang kanyang luha, makikita na nating lahat ang sosyalin manner kung paano pinapahiran ang luha sa mukha at always, may silaw factor din tayong dinaranas dahil nga more often than not, mamahalin ang mga sinusuot niyang mga singsing, bracelet at kung ano man ang kanyang accessory of choice.

Sa mga nag-aabang kung ano ang kanyang mga susunod na proyekto, mega-excited sila sa konsyertong pagsasamahan nila ni Regine Velasquez-Alcasid. Meron rin siyang mga pelikulang gagawin.

Ang isa pang bonggang pangyayari sa buhay ni former Madame Chairman, after so many years, ang reunion dinner nila ni Cherie Gil ay nangyari na.

Sa isang FB post, makikita ang orihinal na Dorina Pineda at Lavinia Arguelles, mahigpit na magkayakap at sa kanilang harapan, isang framed picture kung saan tila inulat nila ang posing sa kasalukuyan.

Walang duda na mahaba-habang kuwentuhan ang naganap, with matching tawanan at kulitan pa ang pagtatagpong muli nina Sharon at Gil. If Sharon got emotional during that precious meet, hindi na kataka-taka at mas lalong hindi kahibang-hibang.

Ang masaya sa kanilang reunion ni Evangeline Rose, ehpatotoo ito na g­enuine friendships exist sa showbizlandia. Ang saya at napaka-po-sitibo, hindi ba naman?

Vice-Ion lantaran na ang relasyon

Maraming mga diwata at sirena, isama mo na rin sa equation ang mga boy borta, bi-curious at pamhinta ang naging emosyonal matapos masilayan ang saccharine photo nina Queen Bayot Vice Ganda at ang kanyang prinsipe, o maaaring hari sa puso niya sa kasulukuyan, si Ion Perez.

Best in payanig kasi ang black-and-white photo nilang dalawa kung saan makikita na si Jose Marie, yakap-yakap ang binatang makisig na lo-vingkle pressed ang lips sa pisngi ng puwede na ba nating tanghalin na pinakamagandang bekibel sa balat ng universe?

Ang mas lalo pang na-ging dahilan kaya naging emosyonal ang sangkabekihan ay ang pahayag na ito: “HAVING YOU NEAR ME FEELS SO RIGHT.” Na may kasama pang to: @pereziion27Love, your forever Darling, @praybeytbenjamin.”

How true rin kaya ang chika na itong si Perez, sa kanyang IG Stories, may isang post sila ni Vice na kanyang ibinahagi na may caption nga bang, “Darling I will be loving you till we’re 70?”

Gamitan pa ba ito alang-alang sa ratings at para laging mapag-usapan o talagang totohanan na? Ano ang inyong pakiwari, my dear Abante TONITE readers?