Abante Tonite Interactive

SHARON, DAPAT I-EXORCISE ANG PERSONAL DEMONS

49

Si Sharon Cuneta, in full emotada encarnacion mode bago umalis sa bansa.

Ipinagtanggol niya ang kabutihang asal of her tito na si Senador Tito Sotto.

Marami siyang dramaramang posts sa Facebook na hindi mo alam if we must take with a grain of salt or paniwalaan ang lahat.

Nawa’y this vacation and concert series abroad, she will be able to exorcise her perso­nal demons and when she comes home, mas kalmado ang state of her emotional health.

Abangers kami kung magagawa niya pa ang indie movie na Ang Pamil­yang Hindi Lumuluha.

***

SA umpukan ng maricones, napagchikahan ang grand ambisyon ni Ms. Baby Go, ang wo­man of power behind BG Productions International.

Si Ms. Go ay best in cameo appearances sa mga pelikulang produced by her at yes oh yes, there is a little Clarissa Gargamonte in her.

Bet na bet niyang magpa-presscon at keribels niyang magpa-party kahit walang okasyon.

Ang grand ambition ni Ms. Baby ay ang paggawa sa kanila ng movie ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.

She is moving hea­ven and earth na matuloy ito, kasi nga, biopic niya with the Star for All Seasons giving life to her sa silver screen.

Hindi ba talyada? Hindi ba pangabog? Hindi ba tunay itong paya­nig?

Angel Locsin
Angel Locsin

Kung si Ate Vi ang gaganap na maturing gracefully na Ms. Baby, ang younger Baby raw eh si Angel Locsin ang napipisil na gumanap.

Sa thanksgiving party ni Ms. Baby F. Go para sa recent triumphs ng kanyang mga pelikula, walang pag-iimbot na ibinalita ng lady producer na nakausap niya si Cong. Vi at nabanggit niya rito na gusto niya na ito’y makagawa ng movie para sa kanya.

Positive daw ang response ng mommy dearest nina Luis at Ryan Christian.

Nagsabi na raw ito na ipadala na sa kanya ang script para mabasa at mapag-aralan na niya.

Ang dramarama ng tunay na Mrs. Ralph Recto, impressed daw ito sa projects ng BG Productions, pati na rin sa mga bigating director tulad nina Joel Lamangan, Mel Chionglo at Louie Ignacio na gumagawa ng mga pelikula sa film outfit.

Hmmmm… magi­ging katotohanan kaya ang pangarap na bituin na ito ni Ms. Baby?

Libre ang mangarap.

‘Pag naging realidad ito, pagsubok sa kakayahan nina Ate Vi at Angel bilang mga aktres.

Is her life a Cinderella story? O mas Sleeping Beauty na matagal munang natulog bago naging the woman that she is now?

O may shades ba ang buhay niya of Little Red Riding Hood kung she was able to conquer the big bad wolf?

Syanga pala, nakatakdang ipalabas sa SM cinemas from May 18 to 25 ang Area, directed by Louie Ignacio and starring Ai Ai de las Alas bilang bahagi ng Cine Lokal.

Isa ito sa projects ng BG Productions at dito napalunan ni Ms. Ai ang kanyang best actress award mula sa AIFFA.

***

Ano ang balita sa iba pang reyna?

Si Nora Aunor, supposedly may isang religious group na nagbigay ng funding para maayos ang problema nito sa la­lamunan.

Kung nangyari ang gamutan, malalaman natin sa mga susunod na araw.

Kasama si Aunor sa mga dumalo sa AIFFA at marami ang nagsasabing what Nora needs is a styling team na will do everything in their powers to bring out the “star” sa superstar.

Lagi kasi siyang simpleng-simple, with a no make up look sa kanyang appearances.

Hindi masama kung from time to time, lalo na during festivals at awards nights, eh dadalo siyang every inch a superstar.

***

Wala kaming balita tungkol kay Maricel Soriano.

Ewan kung magkaka-TV show siya ulit.

Mas ewan kung may pelikula pa siyang gagawin.