Abante Tonite Interactive

Sharon dedma sa Mother’s Day message ni KC

By
Sharon Cuneta
2,952

Mukhang hindi pa nagkakabati ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Bilang selebrasyon sa mga nanay sa buong mundo, nag-post ng kanyang Mother’s Day message si KC para kay Sharon sa kanyang Instagram wall.

Isang throwback photo noong dalaga pa ang megastar ang nilagay ni KC. Ang nasabing larawan ay parang tribute­ sa ina. Ang kanyang caption ay @itskcconcepcion, “To an extraordinary woman with an extraordinary life. Thank you for showin­g us love in many ways you know how. Happy Mother’s Day ma @reallysharoncuneta #HappyMothersDay”.

Habang isinusulat namin ito, dedma si Sharon sa mensaheng ito sa kanya ni KC. Dati-rati kapag bumabati ang anak sa social media, laging may comment ang megastar sa nasabing panganay.

Marami ang bumati kay Sharon ng Happy Mother’s Day sa post na ito ni KC at tinag pa ang kanyang pangalan pero walang response ang The Voice Philippines coach.

Bagama’t walang kumpirmasyon sa tampuhan ng mag-ina may alingasngas na nag-ugat diumano ito sa away ni Sharon at sa ama ni KC na si Gabby Concepcion.

Well, lagi namang ganito ang relasyon nina Sharon at KC, galit-bati, at lagi naman ang ending ay nagkakasundo rin ang magnanay.

Kung totoong not in good terms ang mag-ina pasasaan ba’t magiging happy endin­g rin sila sa isa’t isa.