Abante Tonite Interactive

Sharon ginulat ni Ian

By
2,980

Ang seryeng A Love To Last ang i­ti­­nuturong nagbukas ng pintuan para makapagsimula si Ian ­Veneracion sa kanyang singin­g­ career.

Kuwento ni Ian sa presscon ng first major solo concert niya na Ian in 3 Acts, nang i-offer sa kanya ang role sa nasabing serye ay gaganap siya bilang musician at kakanta sa show. Hindi raw nag-alinlangan si Ian na tanggapin ang offer dahil tumutugtog naman siya ng instruments. Nang sabihin raw sa kanya na ili-lip-synch niya ang kakantahin, hindi raw pumayag si Ian. Iginiit niyang siya ang magri-record ng kanta.

Bagama’t, nagduda ang mga nakarinig, napatunayan nilang kaya naman palang kumanta ng actor.

Sa show naman sa abroad, sinabihan daw si Ian na ire-record ang kakantahin niya at ili-lip-synch niya ito sa mismong palabas.

Hindi raw puma­yag si Ian at sinabing kaya niyang mag-live. Napabilib naman daw niya ang mga nagsa-sound check ng kanta niya.

Kahit si Sharon Cune­ta na nakasama niya sa show ay ginulat niya. Hindi makapaniwalang nakakant­a si Ian. Sabi nga ni Mega, puwedeng maging recording artist at singer ang aktor.

Kuwento ni Ian, bata pa lang siya mahilig na siyang tumugtog at ­kumanta pero sa bahay lang nila at sa ilang mga gigs ng mga kaibigang band. Nakikipag-jamming din siya ­ka­pag niri-request. (‘Di ba kumakanta rin siya dati sa That’s Entertainment–ED).

Ngayon nga ay sasabak na ang aktor sa mas malaking challenge, ang solo concert niya na magaganap sa ­Waterfront Hotel, Cebu City sa April 21.

Tatanggapin daw ni Ian ang anu­mang reaksyon ng mga makakarinig ng kanyang mga kanta. Hindi siya bumibirit at hindi siya nagra-rap. Karamihan sa mga trip niyang songs ay jazz, blues at soul.
Ang baguhang si LA Santos ang isa pa lang sa mga kumpirmadong guest ng actor para naman sa mga millennial.