Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon hindi bulagsak sa pera

0 626

Gawing inspirasyon ang pagpapatayo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang dream house.

Chronicled at documented naman na ang mansyon ni Ate Shawie na ito ay product of her many years of sacrifices, blood, sweat and tears, pagpupuyat at may kasama pa itong emotional upheavals at constant battle with her weight management.

Ang bahay ni Cuneta ay testament na kung ang isang artista ay hindi bulagsak sa pera, alam kung paano at saan ito dapat i-invest, all the things that her or his earned money can buy, eh makakamit niya.

At alam rin natin how generous the Megastar is, lalo na sa mga taong tinuturing niyang mga mahal sa buhay, kaibigan at ilang mga piling-piling manunulat sa showbizlandia,

Inspirational rin siyempre ang kanyang quest to be slimmer, and siyempre pa healthier kaya kung dati ay walang nanalig na kaya niyang maibalik ang kanyang winning form, ngayon eh shut up na lang ang mga negatron kasi nga bumabalik na sa tamang porma ang kanyang katawan. Of course, wala namang bold star aspirations si Cuneta kaya makaka-asa tayo na a well-proportioned body at manageable weight ang kanyang gusto talagang ma-achieve.

Isa pang inspirational kay Cuneta eh ang maganda niyang pagpapalaki kay Kristina Cassandra dahil nga, marami ang happy na super healthy and sound ang relasyon ni KC kay Gabby Concepcion. Hindi nga bat ang daming postings ni Ms. Concepcion sa time well spent niya with her dad and sisters sa Batangas. Dapat ibigay kay Sharon ang kredito na dahil sa unconditional love niya para sa panganay nila ni Ginoong Concepcion, wala itong bitterness at hatred sa kanyang biological father.

Let us hope na ang “Revirginized” does well sa kung anumang medium ito ipapalabas. Kung sa Vivamax siya, may it be the first major hit of the online platform. At kung sa sinehan naman ito, naway ang sanlaksang Sharonians eh mag-volt para mag-perform ito in a major, major way sa takilya.

Derrick bumulaga ang bukol

Bumulagang bigla ang mga underwear pictorial ni Derrick Monasterio. Hindi naman puwedeng ikaila na guwapo ang binata .Talaga namangkatakam-takam ang katawang pang romansa nito.

Kung dati hanggang hubad baro at board shorts lang si young master Monasterio, ngayon tanging immaculate white underwear lamang ang saplot nito sa mga pictorial para sa isang pang-masang clothing brand.

Dahil nga snug fit ang underwear, bumukol ang dapat bumukol sa makisig na aktor. Kaso, para sa mga baklang may bionic eyes, disappointed sila kasi ang mga pabukol ni Monasterio, ay patotoo na bayag lang nito ang namimintog.

Wala kasing pa-Felix Bakat sa nasabing mga larawan. Hindi maaninag ang girth at mas lalong walang masilyang bumalatay na penis head sa mga larawan.

Sa mga maka-Derrick naman, pinagtatanggol nila na super photo shopped ang larawan para nga naman hindi masyadong shocking itong pagmasdan. Kasi nga pag may visible penis line sa larawan, maliban sa pagiging thirst trap nito, maaring maging “bastos” na ang magiging deskripsyon sa larawan.

Juice colored! Talagang ang itinatagong sukat, haba at taba ng palo-palo ni Derrick talaga ang nagtanggal sa agam-agam at pagkabahala natin sa pandemya. Huwag mo na ngang ipagmaramot iyan Papa D, ibuyangyang mo na kasi para magkaalaman na kung dakila at magiting ang iyong ari-arian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.