Abante Tonite Interactive

Sharon hiniritan si Regine na mag-ober da bakod?

By
1,554

Marami ang nagtatanong kung pinag-oober da bakod ba ng megastar na si Sharon Cuneta si Regine Velasquez sa Kapamilya network?

Makahulugan daw ang post niya sa Instagram na: “Dalian mo na nga my luv ‘yan at tapusin na natin ang mga dapat tapusin! Para maka-tumbling na nang maayos! Hahahahaha!!! Wheeeee!!! EXCITED sa lamna na! Hahahahaha! I love you!”

Pero itinanggi ng kampo ni Regine na tungkol sa paglipat ng istasyon ang tinutukoy ng megastar. Plano lang daw nilang magkaroon ng back to back concert.

Mukhang wala namang balak lumipat si Regine dahil nag-e-enjoy naman siya sa kanyang show na ‘The Clash’.

Laging sinasabi ng Asia’s Songbird na okey naman siya sa Kapuso network.