Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon umalma sa bastusan

0 88

Nagrereklamo si Sharon Cuneta sa pang-aagaw ng ibang politiko ng campaign color ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram ay nag-post siya ng green screen at nilinaw na noong una pa raw tumakbo ang mister niya sa Senado in 2001 ay ito na ang kulay nila.

“It is funny how some people are claiming that GREEN is “THEIR” color. May nagsasabi pa inaagaw daw namin! Since Kiko first ran for the Senate in 2001, green na ang kulay niya/namin! So go find your own color. Please,” ang pahayag ni Mega.

Kaloka, huh! Pati kulay, pinag-aagawan na ngayon.

Anyway, may mahabang rant din na ipinost si Shawie dahil wala na raw respeto ngayon at bastusan na ang nangyayari. Kaugnay pa rin ito ng 2022 elections.

“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal.

“Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang,” bahagi ng isang IG post ni Mega.

Angeli walang takot kina AJ, Sunshine, Cindy

After Cindy Miranda, AJ Raval and Sunshine Guimary, si Angeli Khang naman ang binigyan ng launching film ng Viva Films via Mahjong Nights .

Matatandaang unang napanood si Angeli sa pelikulang Taya. Dito pa lang ay nagmarka na ang sexy star dahil sa mga daring scenes niya.

Kahapon sa virtual mediacon para sa naturang pelikula ay nagpahayag ng pasasalamat si Angeli sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Viva.

“Sobrang feel ko po na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako ang sobrang nakaka-flatter po na makasama si sir Jay (Manalo) and si Sean (de Guzman) sa movie,” sey ni Angeli.

“Off-cam, sobrang bait po talaga ni Sir Jay and tinuturuan niya po ako sa mga ad-libs at kung anong ia-act at kapag hindi po ako marunong i-act ang ibang scenes, siya po ‘yung gumagabay sa akin.

When asked kung ibinigay niya ba ang lahat-lahat sa Mahjong Nights, ang sabi lang ni Angeli, nagpapasalamat siya at na-exceed naman niya ang expectation ng direktor na si Lawrence Fajardo. Abangan na lang daw dahil marami silang pasabog sa movie.

Tanggap naman daw ng kanyang pamilya ang pagpapasexy niya especially ang kanyang ina.

“’Yung mom ko po, very supportive po talaga siya dahil ‘yung mom ko po, kasama ko dito sa Philippines. Sabi niya po sa akin as long as wala raw po akong natatapakan na tao at gusto ko ‘yung ginagawa ko, support po siya hanggang sa dulo,” aniya.

Natanong din kung may pressure ba sa kanya na mapantayan sina Cindy, AJ at Sunshine, aniya ay wala naman daw.

“Ako at si AJ, we’re really good friends. Talagang magkaka-vibes kami from Taya pa lang and I think, we shoudn’t compare different individuals,” sey ng VMX Crush.

Wala raw kompetisyon sa kanila at nagsusuportahan pa sila.

Streaming na sa Nov. 12 ang Mahjong Nights sa Vivamax. Kasama rin sa movie sina Mickey Ferriols, Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales.

Leave A Reply

Your email address will not be published.