Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon inintriga kina Kakie, KC

0 152

Iniintriga ng mga netizen si Sharon Cuneta dahil sa kanyang recent Instagram .Nakasakay siya sa isang private jet para sopresahin ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan sa New York.

Sey niya sa video, “flying to New York to surprise my Kakie coz it’s Doc Noel’s birthday.”

Dagdag pa niya, “you know, I’m generously invited to take this private jet with Doc Noel.”

Sa caption ay sinabi niyang ngayon lang daw siya ulit nakalipad via private plane after so many years at pinasalamatan ang kanyang rich friend.

“On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!!🥰🥰🥰 Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because he flies his friends wherever he wants! So I got to fly private again for the first time in years & slept so well for about 4 hrs.!!!🙏🏻❤️🥰🎂🎊🥳🎉🎁 And I still would’ve come to NY for my girl even if I’d had to fly with a bird!” caption ni Shawie.

As we all know ay umalis kamakailan si Kakie patungong New York para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sa comment section ay may mga nang-intriga na naman kung bakit puro si Kakie umano ang iniintindi ni Sharon gayung ang panganay niyang anak ay na si KC Concepcion ay nasa Amerika rin, sa Los Angeles naman.

“You have another daughter in LA,” komento ng isang netizen.

“Where’s KC??” tanong naman ng isa niyang follower.

“May tampuhan ata kayo ulit ni KC? Puro lang kakie binabanggit mo po. 🙁 nasa usa din si KC,” puna naman ng isa.

“So u landed in Teterboro via private plane thats nice Ms Mega!!! Enjoy ur stay in NYC & hopefully in LA with KC,” isa pang comment.

“Did you meet up with KC too?” tanong pa rin ng isang netizen.

Pero may mga sumasagot naman na matanda na raw si KC at may sariling buhay kaya hindi na raw ito masyadong iniintindi ni Shawie.

Maricel inamin ang pagkukulang sa 2 anak

Bihirang ipakita ni Maricel Soriano sa publiko ang dalawa niyang anak na sina Marron at Sebastien. Pero sa kanyang latest YouTube vlog ay kasama niya ang mga ito kaya naman natuwa ang kanyang mga fan na makitang magkakasama ang mag-iina.

How time flies really dahil parang kailan lang ay maliliit pa ang 2 niyang anak pero ngayon ay binatang binata na ang mga ito. Si Marron ay may long-time girlfriend habang si Tien naman ay zero raw ang love life ngayon.

Sa nasabing vlog ay natanong nga ang dalawang boys tungkol sa kanilang ina at ayon kay Marron, napaka-good provider daw ni Maria.

“Actually, ‘yung mom ko, hindi man siya lagi naming kasama before, nun’g younger days namin, but she was a very good provider. So kung baga, nu’ng younger days namin, naiintindihan ko na busy kasi ang mom ko, siyempre to provide for us,” pahayag ni Marron.

Aminado naman si Maria na marami siyang pagkukulang bilang ina sa kanyang dalawang anak at inihihingi niya ito ng kapatawaran.

“I had to say sorry to the both of them. Sabi ko, ‘sana, you can still find, you know, a place in your heart to forgive me.’ Kasi ang dami kong pagkukulang talaga sa mga anak ko. ‘Yung oras, ‘yung panahon na ang daming dapat nandu’n ako, wala ako.

“Na binigyan naman nila ako ng chance. Kaya siyempre, di ba, grateful na grateful naman ako,” ani Maria.

Ayon pa kay Diamond Star, ang dalawa raw niyang anak ngayon ang kanyang rock matapos mamatay ang kanyang ina. Aminado siyang nahirapan din sina Marron at Tien nang mawala ang mommy niya.

“Konting kibot ako, mommy. Silang dalawa rin, kay Mommy rin. Lahat kami, mommy. Nahirapan din sila, eh, nun’g mawala si Mommy. Pero okay naman na kami,” ani Maria.

Sinabi rin ng aktres na patuloy pa rin siyang kumakayod ngayon para sa 2 anak.

“Kung baga, huling boksing ko ‘to. Para sa mga anak ko ‘to. Hindi ako papayag na mawala ako na walang nangyari sa mga anak ko. Hindi ko sila iiwanan na wala sila. Kasi 56 na si Mama, di ba? Pero salamashte pa rin, di ba? Salamashte nang salamashte si Mama,” sey ni Maria.

Leave A Reply

Your email address will not be published.