Abante Tonite Interactive

Sharon iniwan ang socmed

By
4,052

Ang dating Madam Chairman, may pa­­mamaalam na na­man sa kanyang mga follower sa social media. Ang kanyang aria, “Dear Family & Friends, I am not just resting from social media but I am turning my phones off. I want to rest. You know who to text/call/email if I know you.”

Nagpapasalamat din ang Megastar sa pang-unawa.

Bilang isang Sharonian. sana nga, tumahimik na siya for good. Mas magi­ging magaan ang kanyang buhay kung tigil putakan na siya, at walang kung ano-anong mga nagmamarkulyong damdamin ang isinisiwalat sa Facebook o sa Instagram Story niya.

Abante Hiring – IT dep

Lahat na lang kasi, ultimong mga maliliit at nakakarinding mga bagay-bagay, ibinabahagi niya.

Hindi naman sa lahat, dapat pinapaalam mo ang mga damdamin on the guise na ikaw ay nagpapa­katotoo.

Kaunting hinahon. Kaun­­­ting dignidad naman, please. Kaya nga ang diva that you love, kahit anong aria pa ang inginangawa niya, hindi ko na pinapansin.

Kung ang anak niya ngang si KC Concepcion, mas ginusto pang mag-El Nido at makipag-du re pos (rest), des loisirs (recrea­tion), parlant (talking) and passer du bon temps (having­ a good time) na kasama ang kanyang French ex petit ami (ex boyfriend) kesa mag-react sa social media break ni Mommy Shawie niya na kailangan pa ba talaga i-announce sa social media.

Pwede namang basta tumahimik na lang, ‘di ba? Bakit kailangan pa tala­gang i-anunsyo? Sana nga, makatulong sa iyo ang pananahimik mo Sharon at mapangatawanan mo ito.

Hindi ka na kasing bata ni Maine Mendoza na tila ikamamatay kung wala siyang hanash sa social media. At please, tanggapin mo na your heydays are gone, na you had your glory and be thankful na naging Megastar ka. Don’t cheapen yourself by opening­ all your cans and closets in social media. Res­peto sa sarili. Respeto sa ibang tao, please.
***

Liza parang nagka-amnesia

Nakikipagbaliktakan na naman ang FDCP Chair na si Liza Dino sa social media dahil nga mga bagong kaganapan sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang kanyang kabaliktaktakan, sina Giancarlo Abraham at Richard Bolisay. Kung ano ang dahilan kaya sila nagtatalo-talo. kung may interest at panahon kayo, paki-Google search na lang.

Ito naman kasing si Liza, kung magmaganda at magmagaling, akala mo lagi may pribelihiyo siya.

May genuine concern at care ba talaga para sa Phi­lippine film industry o super eager beaver to prove to her poon na hindi mali ang pagkakaupo sa kanya sa posisyon?

Eh hindi ba, may drama pa ito dating humihingi ng mga suhestiyon sa kapwa niya artista para ang poon, malaman ang mga panga­ngailangan ng industriya. Ang mga gullible, nagpaunlak naman, sangrekwang suhestiyon ang mga binigay.

Lo and behold, shocked na lang ang mga kinausap niya nu’ng siya ay inuluklok na. Ang double whammy pa, matapos mailuklok, hindi na sila binalikan, parang nagka-selective amnesia.

Pangalawang taon na ang PPP. Aasa pa ba tayo na may pagbabago?
***
Hindi ko na papatulan ang BBM social media strategist na hindi kumikilos ayon sa kanyang ganda. Any one who works
with the Marcoses, alam mong walang moralidad at pera-pera lang talaga ang pipanginoon.

Wapak na wapak na ang one word summation sa kanya ni curvy and captivating Cai Cortez na “Gago.”

Pakitandaan, real women have curves. At ang tunay na lalaki, walang abs. Kung super conscious ka sa katawan mo na alam naman nating lahat eh hindi for health reasons, then you are vain and living in a lie.

Hindi ka guapo. Hindi ka artistahin. At wala kang karapatang maliitin ang mga taong kumportable at mahal ang mga katawan na mayroon sila, na mayroon kami.

Ipagpatuloy mo na lang ang hedonism mo at ang pagsamba sa poon mo. Water seeks its own level anyway.