Abante Tonite Interactive

Sharon iniyakan si Gabby

By
3,708

If Sharon, hindi na kami nagtaka na napaiyak siya sa interview niya kay Korina Sanchez sa Rated K na inere last Sunday.

Eh knowing kung gaano nga ka-iyakin si Shawie, mas magtataka kami kung hindi siya napaiyak.

Ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion ang topic, kung paano sila nagsimula, hanggang sa ikasal, magkaanak (KC Concepcion), magkahiwalay at hanggang sa reunion nga nila ulit recently sa commercial.

Inamin ni Shawie na noong una niyang mapanood ang commercial nila, natulala muna siya at pagkatapos ay inulit niya.
“Pag-ulit ko, naiyak talaga ako,” sey niya.

Naging emosyonal si Shawie nang isa-isa na ngang magbalikan sa memories niya ang mga nangyari sa kanila ni Gabby lalo pa nga’t pinapakita rin ang mga lumang movies na ginawa nila.

Kuwento niya, may time na bumabalik sa kanya si Gabby pero may a ng mga tao na nakilala raw ito at ito ang pinili ng ex-husband.

“But that’s ok, I mean that’s a long time ago na,” she said.

Inamin din ni Megastar na sa kabila ng akalnasa kanya na ang lahat, pakiramdam niya raw ay she was never enough for any man.

“I’ve always felt I was never enough for any man since my first husband. So you know, I know how
to channel lang my energies and everytime before I would come out on TV, I had a license to be happy,” pagtatapat ni Shawie.

When asked kung all this time ay wala siyang contact kay Gabby, sagot niya, “We had very little contact, and usually it would end in a fight.”

Tinanong din siya ni Korina kung ano ba talaga ang katotohanan sa Sharon-Gabby at ang makahulugan lang na sagot ng aktres, “Ayokong magkuwento ng sobrang detalyado na mapapasama siya, kasi tatay siya ng anak ko, eh.”

Natanong din kay Sharon kung matutuloy na ba ang reunion movie nila, at ayon sa Megastar, depende raw kay Gabby at sa Star Cinema at hindi na siya nag-elaborate pa.

Vice napikon sa mga writer ng Showtime

HALATANG medyo napikon si Vice Ganda sa mga writers ng It’s Showtime last Saturday na mali ang naisulat sa manila paper ng spiel na binabasa niya.

Ang nakalagay sa manila paper ay P10 raw ang kilo ng manok na ibenebenta ng contestant sa Tawag ng Tanghalan pero ‘yun pala ay P10 ang kita niya kada kilo.

Nang linawin iyon ng contestant, halatang nairita si Vice nang sabihin na “Ah, mali na naman. Ilang beses niyo kaming ipahahamak dito, mga writers?”

Pagkatapos nito ay lumapit si Vice sa may hawak ng manila paper at kinuha ito’t dinala sa stage.

“Nanggigigil ako talaga, eh. Lahat ng sinasabi namin, mali, eh,” sey pa ni Vice.

Muling binasa ni Vice Ganda at ni Amy Perez ang nakalagay sa manila paper at nakalagay nga naman na, “Nagtitinda ng manok, 10 piso per kilo.”
“Sino nagsasabi ng kasinungalingan, ikaw o ang aming mga manunulat?” tanong ni Vice Ganda sa contestant.

Nagpaliwanag naman ang contestant na mali raw siguro pagkakaintindi niya sa tanong ng writers kaya mali rin ang naisulat na info.
Nagbiro namang sumigaw si Vice Ganda na “so, walang katotohanan ito!”

At least ay naliwanagan naman si Vice Ganda na may pagkakamali somewhere ang contestant kaya parang nahimasmasan na rin siya. Pero at first, kitang-kita na parang naimbiyerna siya talaga although puwede ring namang uma-acting lang siya at nagpapatawa.

Anyway, tiniklop ni Vice Ganda ang manila paper at itinapon dahil fake news daw.