Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon inokray pagsakay sa helicopter

0 145

Pinuna ng netizen si Sharon Cuneta matapos daw mag-shopping ay sumakay pa ng helicopter.

Nasa Amerika ang megastar para bisitahin ang anak na si Frankie Pangilinan, na nag-aaral ng college sa New York.

Bago noon ay pumunta muna si Sharon sa birthday party ng isang kaibigan sa California.

Ani Sharon, inilibre siya ng kaibigan ng sakay sa isang pribadong eroplano at chopper para mas mabilis makarating sa New York mula sa California.

Sa Instagram video na ibinahagi ng aktres, makikita siya habang pasakay ng helicopter.

Isang netizen ang agad nag-comment sa post ni mega. Kinuwestiyon ang pagsakay ng helicopter ng aktres.

“Saan ka mamimili at nkahelicopter kpa? Grabe nman yan, dto naghehelicopter lang pag me emergency n kailangang madala agad s pinakamalapit n hospital!” sambit ng netizen.

Sinagot ito ni Sharon at sinabing, “Umpisahan nyo po muna sana basahin captions ko mula eroplano pataas hanggang dito. Isinama and nalibre lang po kami ng kaibigan namin kaya laking pasalamat ko.”

Tila na-realize ang pagkakamali niya ay hindi na nag-reply ang naturang netizen. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.