Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon kastilyo sa Europe ang problema

0 889

NI: VINIA VIVAR

Naghahanap pala ng mga “for sale” na kastilyo ngayon sa Europe si Sharon Cuneta. Ipinost niya ang ilang mga larawan ng castles, chateaux and farm houses na nagustuhan niya.

“My current obsession: looking at castles, chateaux, stonehouses, farmhouses for sale in Europe. Mostly in France. Libre naman mangarap!” ang caption ni Megastar.

Wala naman siyang sinabi na bibili na siya at sey nga niya ay nangangarap pa lang siya na magkaroon nito. Pero syempre, the mere fact na naghahanap siya, mukhang balak niya talagang bumili.

Komento nga ng mga netizen, kayang-kaya naman daw itong bilhin ni Megastar.

Pero may nagkomento rin na mabuti pa raw si Sharon ang pagsa-shopping lang ng castle ang problema gayung sila raw ay problema nila kung paano itawid sa gutom ang kanilang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.