Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon kina Digong,Sara,DDS: Inuntog niyo ulo ko

0 5,914

NI: VINIA VIVAR

Bagama’t deleted na sa kanyang Instagram ang mahabang hinaing ni Sharon Cuneta laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao Mayor Sarah Duterte, lubhang naging kontrobersyal ito dahil sa mga matatapang niyang pahayag.

Sa nasabing post ay binanggit ni Sharon ang pambababoy umano sa kanila ng isang DDS (Die-hard Duterte supporters) nang pagbantaan nito ng rape (sa Facebook post) ang anak niyang si Frankie Pangilinan.

“Tapos binababoy ng isang DDS na kasama nyo ang anak ko. May dumepensa ba sa amin kahit mahal daw ako ni Tatay? Wala.

“AKO AT SI KAKIE NA ITO, HINDI NA SI KIKO LANG. NASAKTAN AKO. Kasi TAYO DAPAT ANG MAGKAKAMPI. PERO KAYO ANG SUMIRA AT PATULOY NA SUMISIRA SAMIN,” aniya.

“AWANG AWA NA AKO SA ASAWA’T MGA ANAK KO. Ilang taon ko din silang halos hinayaang masaktan habang pinagtatanggol ko ng pilit si Tatay sa kanila. Pero SOBRA NA KAYO.

“ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAAN KO PA NA MAGPATULOY YUN NG ANO, NAKA SMILE LANG LAGI?

“HINDI KO NA KAYA. KAYO RIN ANG MAY KAGAGAWAN NIYAN. KAYO ANG UMUNTOG NG ULO KO. AYOKO NG BANSANG GANITO ANG MGA KABABAYAN KO,” ang litanya ni Sharon.

Matatandaang nabanggit ni Megastar sa kanyang Instagram live recently na si Vice President Leni Robrero ang gusto niyang maging next President.

“Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya. Baka sakaling bumalik ang pagkadisente ng karamihan sa atin,” ang pahayag ni Shawie sa IG live na tila hindi nagustuhan ng mga DDS kaya katakot-takot na bashing ang naranasan niya.

Sa kanyang deleted IG post ay ipinaliwanag din ni Sharon kung bakit si VP Leni ang gusto niyang maging next Pangulo.

“AT MATAGAL KO NANG KILALA SI BISE. HINDI AKO MATATAWAG NA “DILAWAN” DAHIL YUN ANG AYAW NA AYAW KO AT PINAKAIIWASAN.

“SI BISE LENI DISENTE AT MATINO. Mula pa sa nasira niyang asawang si SEC. JESSIE, WALANG BAHID NG KASAMAAN O KORUPSYON SA DAMI NG TAONG NAGSILBI SILA SA NAGA.

“AT ISA PA AT MAHALAGA SA AKIN, ISA RIN SIYANG INA NA MARUNONG MAGTANGGOL NG MGA ANAK AT KABABAIHAN,” paliwanag ni Sharon.

Sa huli ay sinabi ni Sharon na wala siyang pinuputol na relasyon niya with Mayor Sara and Digong at patuloy pa rin daw niya itong ituturing na kaibigan.

“Wala akong pinuputol na relasyon. Puwera yung sa inyo kung nasama man ako sa inyo kahit paano. Patuloy ko pa ring ituturing na kaibigan sina PRD at Inday Sara. Siguro naman ay nauunawaan nil ako.

“At least PINANININDIGAN KO ANG PAMILYA KO. SORRY NOT SORRY,” pahayag pa ni Sharon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.