Abante Tonite Interactive

Sharon, Kris pinag-aaway

By
5,991

Nilinaw ni Sharon Cuneta na wala silang anumang problema ni Kris Aquino. May mga netizen kasing nag-react sa papuri ni Sharon kay Julia Barretto sa pelikulang I Love You, Hater at tinatanong siya kung bakit wala siyang congratulatory greetings for her friend at ang young actress lang ang kanyang binati.

“Read my first post in the comments section of Julia’s open letter here. I acknowledged Kris because this is also her movie. But i am being supportive of the one who wrote the open letter because i love her and she deserves my support. There is no problem between me and kris so let’s not make one,” sagot ni Sharon.

Isa pang tanong ng netizen, “how about Kris Aquino our dear Mega? I hope everything’s ok between you two because I love you both!”

Sagot ulit ni Mega, “we have no problem and I certainly do not want to cause one. I am merely giving my Julia and Joshua love and support which they deserve.”

Isa pang paglilinaw ni Sharon sa isang netizen, “wala naman po. Just supporting my Julia and Joshua based on Julia’s open letter nya dito.

Huwag na sana magdagdag pa ng intriga ang mga tao. Nananahimik ang mga bata, let’s just support their movie after all, it is also Kris’s.”

In fairness naman kay Sharon, binanggit naman niya talaga si Kris nang i-repost niya ang open letter ni Julia. Kaya tama naman ang pakiusap niya na huwag nang mag-intriga pa ang iba.