Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon makikipagrambulan kina Juday, Iza, Angel

0 362

Pagkatapos na lumabas ang balitang gagawin ng ABS-CBN ang Pinoy adaptation ng toprating British series na Doctor Foster, marami ang na-excite na nasabing proyekto.

Sa teaser nga na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ipinakita ang poster kung saan back-to-back sina Suranne Jones bilang Doctor Gemma at ang South Korean counterpart nitong si Dr. Ji sa Korean version nitong “The World of the Married.”

Kanya-kanyang naman ng mga manok ang kanilang mga faney dahil para sa kanila isang much coveted role ang nasabing character pagdating sa mga serye.

Sa mga pa-survey sa mga fan, naging popular choice si Judy Ann Santos na para sa kanila ay bagay na bagay sa role ng isang doktora na niloko ng kanyang asawa.

Sumulpot din sa survey ang mga pangalan nina Jodi Sta. Maria, Angel Aquino, Iza Calzado at maging ang napapabalitang bagong Kapamilya na si Sunshine Dizon.

Sa role naman ng mistress na makakaribal ng lead character sa kanyang philandering husband, matunog ang mga pangalan ng “Fan Girl”best actress na si Charlie Dizon, Janine Gutierrez, Liza Soberano at Julia Barretto.

Pero, wait may gusto pang humabol sa listahan dahil interesado rin pala ang megastar na si Sharon Cuneta na gampanan ang nabanggit na role na naging patok sa Netflix lovers.

Sa social media, sa pagpu-push ng mga faney, nag-trending din ang kanyang namesung.

May emote rin siya sa kanyang Instagram account kung saan naka-tag pa sina Direk Lauren Dyogi at ang ABS-CBN.

SM food to go Banner Ad

Aniya: “OMG! Thank you so much! Would absolutely love to play her!!! @direklauren@abscbn @nsyshows@angelsyang #drfosterph

Joshua binura na si Julia

Nag-celebrate ng kanyang ikapitong anibersaryo sa showbiz ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Sa kanyang Instagram post, hindi nakalimutan ng actor na magpasalamat sa mga taong naging instrumento ng kanyang tagumpay.

Gayunpaman, nag-react ang mga faney dahil walang picture na ipinost niya ang larawan ng dating screen partner na si Julia Barretto.

Malaking bahagi kasi ng tagumpay ng kanyang karera ay dahil sa teamup nilang JoshLia ni Julia.

Sey ng mga katkatera, binura na raw nito sa buhay niya si Julia na ngayon ay inlababu kay Gerald Anderson.

Hirit naman ng iba, natauhan na raw si Joshua dahil gusto na nitong mag-move on at makilala na wala sa anino ng ex.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi raw big deal ang pagkaka-itsapuwera ni Julia sa whole picture dahil anibersaryo raw ng aktor ang kanyang ipinagdiriwang at hindi ang kanilang love team.

Leave A Reply

Your email address will not be published.