Abante Tonite Interactive

Sharon maraming tissue ang naubos sa kakaiyak

1,126

Totoo ang balita. Napakahusay nga ni Judy Ann Santos sa pelikulang “Mindanao”, na napanood namin sa press preview nito nu’ng Lunes nang hapon sa Podium Cinema.

Mahirap talunin ang performance ni Juday bilang Muslim na si Saima Datupalo, na may asawang sundalo (Allen Dizon) na nakikipagbakbakan sa Maguindanao at paslit na anak (Yuna Tangog) na may sakit na kanser.

Si Juday talaga ang nagdala ng pelikula. Hindi teleserye acting ang ipinamalas niya rito kundi simple at tahimik lang, pero nakakadurog ng puso.

Walang malalaking highlights ang pelikula, pero kapag dumating na sa dramatic scenes ni Juday sa may bandang dulo ay sulit ang pinaghintay mo.

Ipinakita rito ni Direk Brillante Mendoza ang kulturang Muslim at sa itsura at pananamit ni Juday ay mukha talaga siyang Maguindanaoan.

Ang sabi sa amin ni Direk Brillante, kumpara sa mga iba niyang pelikula ay mas appealing ang “Mindanao” sa ordinary moviegoers dahil hinaluan niya ito ng animation at ang bida pa rito ay si Judy Ann.

Tampok sa animated crayon images ang epic tale ng warrior brothers na sina Rajah at Sulayman, at ang pakikipaglaban ng mga ito sa dalawang dambuhalang dragon na sina Ginto at Pula, na ikinukuwento ni Juday sa kanyang maysakit na anak.

Natuwa si Direk Brillante na nakapasok sila sa MMFF 2019 dahil minsan pa lang siya napapasama sa nasabing pestibal.

Ang una ay sa “Thy Womb” ni Nora Aunor nu’ng 2012 na tungkol sa mga Badjao. Aminado ang Cannes-winning direktor na hindi maganda ang naging resulta nu’n.

Kaya sana raw ay tangkilikin ng Pinoy audience ang “Mindanao” dahil bukod sa mai-entertain ay mai-educate daw nito ang mga manonood.

Kasunod ng press preview sa Podium ang celebrity screening, na isa sa mga nanood ay si Ms. Sharon Cuneta, na ang daming naubos na tissue dahil sa kakaiyak nito sa pelikula.

Doon na rin tinanggap ni Juday ang kanyang tropeo sa pananalo niya bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.

Vice-Ion ikakasal sa LRT Tayuman station

Natawa si Vice Ganda sa nakakababaeng tanong sa kanya kung may balak ba silang magpakasal ng boyfriend niyang si Ion Perez.

Sey ni Vice, sinasalat niya kung may keps na siya dahil sa mga nakaka-girl na tanong sa kanya tulad ng kasal.

“‘Yung concrete plans, wala pa talaga pero nag-i-start na kami to talk about it. Napag-usapan na namin na sa… basta sa Tayuman Station ng LRT (ang kasal)! Charot!!” sabay tawa ni Vice.

Nang si Ion ang tanungin, ang sagot nito ay, “Hindi po ako magsasabi ng tapos, pero baka malay n’yo po mangyayari ‘yon?”

13 months na raw silang magdyowa, sabi ni Vice. Every 25th ang kanilang monthsary.

Na-meet na ni Vice ang malaking pamilya ni Ion at mahal daw siya ng mga ito. Kinse palang magkakapatid sina Ion at pang-12 ito.

Magkakilala na rin ang mga nanay nila. Nagpunta na raw ang madir ni Vice sa bahay nina Ion, tapos ay nagtsitsikahan daw at kumakain ng kakanin ang mga mudra nila.

Masaya ang puso ng bida ng MMFF 2019 entry na “The Mall, The Merrier” dahil inlab siya and this time ay mahal din daw siya ng taong mahal niya. Ang pinili niya ay pinili rin daw siya.

Girl na girl si Vice sa kuwento niya na hindi pumayag si Ion ni ilihim nila ang kanilang relasyon. Doon niya na-realize na mahal daw talaga siya nito at totoo na ito.

Dati kasi ay hindi ganu’n ang mga past relationship ni Vice, ‘yung sila lang ng dyowa niya ang nakakaalam. Si Ion lang daw ‘yung lalaki na nanindigan sa kanya at ipinagmalaki pa ang pag-iibigan nila.

“Kasi, ang daming nagsasabi na, ‘Mayaman ka, sikat ka, pero hindi ka magiging masaya, kasi wala namang magmamahal sa ‘yo.’ At ngayon, napatunayan ko, maling-mali sila. Kasi, may taong totoong nagmanahal sa akin at siguradong-sigurado ako,” bulalas ng inlabey na komedyante.

Sey pa ni Vice, malaking tulong na kasama niya si Ion sa filmfest movie niya dahil may bagong kilig siya na nararamdaman, inspired siyang magtrabaho at masaya ang puso niya dahil may minamahal siya.

Haba ng hair ni Vice sa dayalog ni Ion na, “Masarap sa pakiramdam na kasama mong nagtatrabaho ‘yung taong mahal mo.”

Nangangamoy topgrosser na naman sa MMFF ang “The Mall, The Merrier” ni Vice, na first time niyang nakasama sa big screen si Anne Curtis at ang kontrabida ay si Dimples Romana.