Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon may bagong kinababaliwang aktor

0 257
NI: VINIA VIVAR

Sina Cha Eun Woo at Park Hyung Sik naman ang mga bagong kinababaliwan ngayong Korean actors ni Sharon Cuneta. Kuwento niya sa kanyang Instagram page, nag-binge watch daw siya ng mga dramas ni CEW noong nasa Los Angeles siya. At ngayon naman, si PHS ang paulit-ulit niyang pinapanood.

“OKAY OKAY I HAVE A NEW “CRUSH!” In L.A. I binged on everything Cha Eun Woo. But now I am super fixated on PARK HYUNG SIK! Lahat na yata pati videos niya with his former boy band napanood ko na! But paulit-ulit kong pinapanood ang STRONG GIRL Bong SOON kasi doon ang favorite kong role niya! Pampasaya talaga! Also loved him in the movie JUROR 8! He was critically acclaimed for his performance there too!” pagbabahagi ni Megastar.

Ikinuwento rin niyang nag-react ang anak niyang si Frankie nang sabihin niya ang pagkakaroon niya ng crush kay Cha Eun Woo.

“When I told Kakie about Cha Eun Woo, sabi agad niya, “Mom!!! He’s only three years older than me!” Hahahahahaha! Kala mo naman magiging stepfather niya kung rumeact! Sabi ko, “Why ba?!!! It’s not like I’ll boypren or marry him! I crush him lang relax!” Hahahaha!” sey pa ni Shawie.

Si Park Hyung Sik man ay bata pa rin pero sey ni Mega, hindi raw niya pinipili ang crush niya by age.

“Ito namang si Hyung Sik, Nov.16,1991 ang birthday. Eh mag-uumpisa na ang shooting ng “Maging Sino Ka Man” noon in less than 2 months at kaka-break lang namin ng boyfriend ko nun! Ngek! Bakit ba basta he’s my crushie now. Read my bio he’s been there for a while now too! I don’t choose my crushes by age, do you?

“I still love Keanu and Antonio Banderas! Basta for now, Park Hyung Sik!!! Sabi nga sa Korea, “FIGHTING!” Hahahaha! GV only!” saad pa ni Sharon.

Matatandaang nabaliw din si Sharon sa mga Korean actors na sina Gong Yoo at Hyun Bin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.