Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon, mister ‘naglandian’ sa presinto

0 42

Naaliw kami sa post ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie o Kakie sa kanyang Twitter account kahapon sa kasagsagan ng botohan.

Nag-post si Kakie ng larawan ng kanyang magulang habang magkatabing nakapila sa precinct sa Silang, Cavite at naghihintay na makaboto.

Sa larawan ay makikitang nakatalikod sa camera ang mag-asawa at nakahilig si Sharon kay Sen. Kiko.

Caption ni Kakie in bold letters, “HANGGANG PRESINTO ?/!/?:!? ANG LALANDI NINYO.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-post din si Kakie ng mga larawan ng lambingan moments ng kanyang magulang habang nasa precinct. Sa isang photo ay makikitang nakayakap pa si Shawie sa likod ng mister. Sa isang picture naman ay tsine-check pa ni Megastar ang resibo ng boto ng asawang tumatakbo sa pagka-Bise Presidente.

Sa kanyang Instagram account naman ay ibinihagi ni Mega na halos 4 na oras silang nakapila para makaboto.

“Done voting!!! Happily stayed in line with other voters for just a few minutes short of four hours. Met so many nice people who had their pics taken with us. Maraming salamat po especially to all our volunteers, all our brave and patient teachers, and all our supporters! May Almighty God bless the Philippines!!!” ang post ni Sharon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.