Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon naadik sa Korean hunk

0 87

NI: VINIA VIVAR

Kung si Jinkee Pacquiao ay gustong ipag-produce ng concert ang Korean actor na si Ji Chang Wook, si Sharon Cuneta naman ay gusto na siyang ampunin at iuwi sa bahay.

Sa latest Instagram post ni Megastar ay sinabi niyang si Ji Chang Wook na raw ang no.1 niya ngayon at kinabog na ang mga fave niyang sina Gong Yoo at Hyun Bin.

Related Posts

“Ahem. I have a confession. I’ve been watching nothing but Ji Chang Wook @jichangwook series lately. No Hyun Bin or Gong Yoo. So, confirmed! He is now my #1!” caption ni Shawie sa larawan ni Ji Chang Wook.Pero dahil bata pang masyado ang nasabing Korean actor para maging Papa niya, magiging mommy na lang daw siya.

“Too old to be his honey, so maybe I can adopt him and be his Mama. Whatever – such a great actor. And dang goodlookin’!!!” saad pa ni Mega.

Si Ji Chang Wook ay isa ring sikat na aktor sa South Korea na nagbida sa mga hit K-dramas na “Healer,” “The K2,” “Suspicious Partner,” “Melting Me Softly,” at “Backstreet Rookie” among others.

Siya rin ang bet ni Jinkee Pacquiao noon pa man at matatandaang dalawang beses na silang nag-meet personally sa South Korea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.