Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon naasiwa sa ‘pekpek’

0 865

MILDRED A. BACUD: Sa tagal na rin sa industriya ng mga sikat na artista tulad ni Sharon Cuneta, ayaw na nila ng paulit -ulit na role kaya tumatanggap sila ng kakaiba.

Ilang beses na rin naman tumanggap ng megastar ng mga challenging roles nung mga panahong gumawa siya ng indie movies. Marami nga ang nagulat na i-post niya sa kanyang IG ang pelikulang #Revirginized na pagsasamahan nila ni Marco Gumabao. May- December love affair ito na mararamdaman ang excitement ni Sharon dahil nagpapayat talaga siya for the movie. Biro nga niya natupad daw ang pangarap niyang maging sexy star. Nang tanungin nga siya sa inteview kung makakayanan ba niya ang mga sexy scene, sabi niya “Kahit kanino, handa ako! Marami akong hidden talent. Baka si Marco pa ang magulat sa akin kapag ako ang maghubad!”

Ganyan ang mahuhusay na artista walang uurungan roles.Di ba marami rin ang nagulat kay Angel Aquino sa laplapan nila ni Toni Labrusca sa “The Glorious.”

ROLDAN CASTRO: Mukhang naobliga si Sharon na magsalita ng mga bagay na hindi niya nasasabi sa bago niya pelikula.

Post ni direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account.

Mega: “Direk, sasabihin ko po talaga yung salitang “pekpek”

Darryl: “Oo, San ba ko makakatipid Mega, sasabihin mo o ibibirit mo?” #REVIRGINZED

Excited na talaga akong mapanood ang megastar sa kakaiba niyang movie.

SM food to go Banner Ad

Gaya ni Sharon, isa pang aktres na nag-grow ay si Carmina Villarroel. Bago rin sa paningin ang kontrabida role niya sa seryeng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ ng GMA 7.

Bukod dito, naging dyowa pa niya si John Estrada na ‘kuya-kuyahan’ lang niya dati sa ‘Palibhasa Lalaki.’

Talbog!

RODEL FERNANDO: Maganda ang ginagawa ng iba nating mga artista lalo na ang mga kilalang major star na palagi na lang nagbibida sa kanilang mga proyekto. ‘Yung iba kasi ay nagi-ekspiremento sila para nga naman maiba ang mapapanood sa kanila. Tulad na lamang noon ni Vilma Santos na kilala sa mga GP movies at mga wholesome pero bigla siyang nagpa-sexy sa pelikula. Ilan sa mga nagawa niyang movie na may temang kaseksihan ay ang Burlesk Queen, Baby Tsina at Tagos ng Dugo.

Ang Superstar din na si Nora Aunor na sobrang wholesome lahat ng mga naging projects ay nanggulat siya nang gawin ang pelikulang Banaue. Sa pelikula kasi ay kailangan niyang magsuot ng damit ng Ifugao na tinatawag na bahag. Lumitaw talaga ang legs na nakakasilaw ng aktres at maging ang

cleavage niya ay ganoon din. Pero ganunpaman, hindi naging malaswa ito sa paningin ng manonood dahil well crafted naman ang movie with Christopher de Leon na kanyang leading man.

And speaking of Ate Guy, may bago siyang pelikula na ikakagulat talaga ng lahat. For the first time sa kanyang karera sa showbiz ay pumayag siyang maging kontrabida. Yes mga ka-Cuatros, ibang Nora ang mapapanood sa pelikulang Kontrabida ng Godfather Productions. At pumayag ang Superstar na masampal ng bida. Balita nga na nu’ng kinunan ang eksena ay nanginig sa takot ang sikat na aktres na sumampal sa kanya. Sino siya? Yun ang dapat abangan!

ROMMEL PLACENTE:Kung si Nora Aunor ay gumanap na kontrabida sa pelikula. At si Sharon Cuneta ay pumayag na ipareha sa isang bagets,masasabi ko mga ka-Cuatros na nagawa na ‘yan ni Maricel Soriano.Sa pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit noong 1984, ay bida-kontrabida rito ang Diamond Star. Sa pelikulang Soltera naman noong 1999 ay si Diether Ocampo ang leading man niya rito. May-December ang tema ng pelikula. Sa serye naman na Ang Dalawang Mrs.Real mula sa GMA 7,ay si Dingdong Dantes ang gumanap na mister niya,na malaki rin ang agwat ng edad nila. O,’di ba,nakakatuwang malaman na ang mga mahuhusay at sikat na artista na tulad nina Maricel,Sharon at Nora,ay walang kiyeme sa pagtanggap ng mga ganoong klase ng role.Artista sila,so dapat lang talaga na gumawa sila ng role na kakaiba.
Dapat lang talaga na maging versatile sila,di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.