Abante Tonite Interactive

Sharon nag-throwback sa relong pinagselosan

By
3,478

Daddy’s girl talaga si Sharon Cuneta. Hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang pumanaw na amang si dating Pasay Mayor Pablo Cuneta at madalas ay ipino-post niya pa rin ito saying how much she misses him.

Sa latest Instagram post nga ni Shawie ay nag-senti (sentimental) na naman siya at nag-upload ng larawan ng diamond ring and watch na iniregalo niya sa ama noong nabubuhay pa.

“Last night, I was very sad. So I busied myself by cleaning out my safe and fixing all that was inside.

“Then I found this ring, with a letter “P” cut out from one diamond, which I gave to my Daddy as a gift for either his birthday or Father’s Day (Remember, his name was- IS! – Pablo?).

“I then also found this Rolex watch that I gave him one Father’s Day. I remember my Dad and I agreeing to keep it a secret. So when Mom noticed the watch and asked from whom it was, Daddy said it was from our dear family friend Mr. Nano Nocom.

“But Mom found out agad na it was from me pala – kasi naman sa City Hall where Dad was working (he was Mayor of Pasay then), pinapagmalaki niya na “Galing sa anak kong si Sharon ito!” to anyone who cared to listen!

“Nagselos si Elaine. Napabili ako bigla ng isa pang Rolex for her. Hahahaha! I am now wearing them both…and feel like my Dad is near.

“I miss you, my Daddy. I wish you were here to hug me and give me a good “talking to” to remind me to fight for myself and to follow my heart, and not always think of other people before “me.” I love you with all my heart, my Daddy. I really miss you…” ang caption ni Megastar sa larawan.

Awww, so touching. Kapag nagpo-post ng ganito si Shawie, nai-imagine tuloy namin siya na bata pa at naka-pig tails pa ang buhok hugging her Mayor Dad and telling him she loves him.

At her age now, talagang hindi pa rin maiwasan ni Shawie na maging feeling like a child at balikan ang kanyang nakaraan na hindi naman namin masisi dahil napakaganda naman talaga ng childhood memories niya.

———-

Jerald tinalbugan si Valeen

Kakaiba ang naging atake ng newbie director na si Dominic Lim sa kanyang debut film na The Write Moment starring Jerald Napoles at Valeen Montenegro na nagkaroon ng red carpet premiere night last Monday sa Robinson’s Galeria.

The movie is a fantasy rom-com under Idea First Company and Viva Films and feeling nga namin ay inspired ito sa Kita Kita nina Empoy Marquez and Alessandra de Rossi na as we all know ay humamig ng limpak-limpak sa box-office last year.

Although magkalayong-magkalayo naman ang stories ng Kita Kita at The Write Moment, sa aspetong komedyante pareho ang bidang sina Jerald at Empoy sila nagkapareho at siyempre, ‘yung factor na ‘di gwapo at sikat ang lead actor pero magaling.

In fairness, ‘yung acting ni Jerald ang nagdala sa pelikula at sa part ng leading lady naman, ‘yung beauty ni Valeen ang pansin na pansin sa pelikula.

Nakakaarte naman si Valeen, of course, but it was really Jerald who took care of the ‘acting department’.

Kakaiba ang istorya ng The Write Moment na mahihirapan kang intindihin, sa totoo lang. Maganda naman ang pagkakaatake ng direktor (na siya ring sumulat ng script) pero sana ay naipaliwanag naman niya nang mabuti sa pelikula kung bakit nangyari ang “magic” sa script ni Dave (Jerald) .

Pero ang maganda naman, may moral lesson naman itong ini-impart sa manonood. Na we just have to accept what life has to offer without if’s and but’s. Na nagmamahal tayo minsan nang walang dahilan at umaalis sa relasyon nang walang dahilan.

Showing na sa mga sinehan ngayong Miyerkules, June 27 ang The Write Moment.