Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon nagpatapyas ng boobs

0 194

NI: ROLDAN CASTRO

Umamin si Sharon Cuneta na nagpabawas ng boobs sa presscon ng pelikulang ‘Revirginized’.

Nagbigay ng permiso ang megastar na puwedeng isulat nang tanungin ng mediacon host na si Giselle Sanchez.

Sabi ng megastar inamin naman daw niya ito at nag-post siya sa kanyang Instagram account.

May photo siya sa IG na kita ang cleavage sa tequila shot with

Marco Gumabao. May caption ito na“(Titigan n’yo na pong mabuti. Kasi ba may liliit po sa pics na ‘yan. Hahahaha!)”

Sumailalim si Mega sa pagpapabawas ng boobs at breast lift sa abroad.

Sa virtual mediacon kasi ng ‘Revirginized’ ay nalalaglag ang strap ng kanyang bra.

Deklara ng aktres.”Nagpunta ako ng Amerika, di ba? Tumaba ako pero konti lang, may lumiit sa akin.I had my chest reduced.

“No, I didn’t have implants. It was all natural.But it’s all skin and fats and so I had it reduced,”paglilinaw pa niya.

Anyway mapapanood na si Sharon sa kanyang pinakamainit, pinakamakipot at pinakamasikip na role sa kanyang bagong pelikula, REVIRGINIZED. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap.

Talaga namang kakaibang Sharon ang mapapanood sa naturang pelikula.

At dito rin ipinanganak ang bagong love team na sasakyan mo, ang #TeamCuBao!

Paanoorin ang worldwide premiere nito ngayong August 6 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at sa Vivamax. Ipapalabas din ito sa Cignal PPV sa August 27.


Vivamax nilunsad sa Singapore, HK, Japan, Malaysia

Starting August 1, ang Philippine’s Top Grossing Streaming App, VIVAMAX ay patuloy pang pinapalawak mula Middle East at Europe, at ngayon sa Singapore, Hongkong, Japan at Malaysia.

Mai-experience na ang total Pinoy Movie entertainment na hatid ng VIVAMAX sa ASYA. Ang mga Vivamax Originals tulad ng ‘Nerisa’ na pinagbibidahan ni Cindy Miranda, mula sa panulat ni Ricky Lee at direksyon ni Lawrence Fajardo; ‘Revirginized’, mula sa magaling na director na si Darryl Yap , pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta. Nandiyan din ang ‘Ikaw at Ako at Ang Ending’, na tampok ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles .Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Irene Emma Villamor.

Puwede ring panoorin ang mga concerts nina Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli at Asia’s Songbird Regine Velasquez .

Puwedeng mag-movie trip to the max! Pumunta lang sa web.vivamax.net at pumili ng Share to the Max plan .

Leave A Reply

Your email address will not be published.