Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon nagsalita sa buntis, pambubugbog isyu

0 1,167

Kahapon ay nag-live si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram at nilinaw ang maraming issue na lumalabas tungkol sa kanyang pamilya nitong mga nakaraang araw.

Kasama rin niya sa live session ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan na nandito sa Pilipinas habang si Sharon naman ay kasalukuyan pa ring nasa US.

Isa sa mga lumabas na tsismis habang wala si Sharon ay sinasaktan daw siya ng mister kaya siya umalis ng bansa na nilinaw na rin niya kay Abante Tonite columnist Cristy Fermin few days ago.

Isa pang tsika ay may boyfriend daw si Sharon na mas bata sa kanya kaya siya sinaktan. Sa live session ay tawa nang tawa ang mag-asawa sa tsikang ito.

“Ang pakiusap ko lang, sana naman sabihin n’yo kung sino para makaakyat siya sa aking asawa na humingi ng permiso na lumigaw o makipagrelasyon sa akin,” natatawang sabi ni Sharon.

Biro pa ni Sharon, sana raw ay si Antonio Banderas o si Keanu Reeves na lang ito at iiwan daw niya talaga ang kanyang asawa.

At ang pangatlong tsika, buntis daw siya at ang batang boyfriend nga ang ama kaya siya umano sinaktan.

“Hoy buntis ako,” tawa nang tawang sabi ni Sharon kay Sen. Kiko.

“Susmaryosep! Ano ba ‘yan?” natatawa ring sambit ng Senador.

Dagdag pa ng mister ni Shawie, “siguro, nakita nila ‘yung una, ay hindi naman kapani-paniwala. Tapos ‘yung pangalawa, hindi pa rin kapani-paniwala. Ngayon, sumusubok pa rin, pangatlong kuwento na, baka sakaling maniwala. Ano ba ‘yan?”

Sey naman ni Sharon na hindi na halos makapagsalita sa katatawa, “nakalimutan nila, hindi na ako 30’s. I’m sorry, kahit cute ako, 55 na po ako. At ayaw na namin ni Kiko. Okay na kami kay Miguel. Sa Disneyland lang po, pagod na pagod na kami.”

Sa huli ay nagpasalamat ang mag-asawa sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanila. Ayon pa kay Sen. Kiko, talaga raw laging may lumalabas na issue sa kanila sa tuwing nalalapit ang eleksyon.

“Everytime na lang na malapit ang eleksyon, may tsismis. Para sirain tayo, tayo ang aatekehin, ‘yung ating pamilya, our marriage, our family life. Bumenta na ito, eh. But of course, we have to clarify this and explain it.

“Du’n sa ating nanonood, just to let you know, this happens all the time, itong mga paninira. So we all have to be vigilant,” pahayag ni Sen. Kiko.

@@@

Liza hirap mag-dub

Aminado si Liza Soberano na hindi madali ang voice acting kaya naman talagang hesitant daw siya noong una na tanggapin ang pagboboses sa Trese,” ang Netflix Original Anime series na base sa Philippine graphic novel nina Budjette Tan and Kajo Baldisimo.

Ayon kay Liza sa panayam sa Star Magic’s Inside News, hindi raw niya alam kung kaya niya ba ang voice acting than acting itself.

“Honestly when it was first offered to me I kind of had some hesitations and I think that was mostly due to the fact that I didn’t really have the confidence or I was kind of doubting myself if I could really do it because voice acting is a whole different game. It’s completely different from acting,” pahayag ni Liza.

“In voice acting, you are supposed to bring that emotion out through your voice. Of course while you are dubbing it there’s a bit of emotion that you have to put out in your face pero not all the time. It’s carried out in your voice and that’s something I had to learn,” dagdag pa niya.

Dalawang araw ding nag-dub si Liza sa Trese at aniya ay tinuruan din daw siya na i-modulate ang kanyang boses.

“I have a very high pitchy voice. So I was trained by Sir Rudolf, my voice coach, to modulate it and bring it lower,” sey niya.

“I’m talking from my head but they taught me how to talk through my chest, with my chest. So it’s kind a hard for me to adjust from head talking to chest talking,” dagdag pa ni Liza.

Sa Trese ay ginagampanan ni Liza ang lead character na si Alexandra Trese, isang healer-warrior and protector of human beings from underworld creatures.

“I think our similarities — we are both very brave. I feel like I’m brave for even taking on the character of Alexandra Trese knowing that it’s not my forte, voice acting is not my forte. Basically knowing that it’s such a big role, a big project. And it’s a big shoe to fill basically. And I know that ‘Trese’ has a lot of fans, a lot of comic book fans, and they are very protective of these characters and of course they only want the best,” ani Liza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.