Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon nambulabog sa seksing suot

0 1,697

Pagkatapos na maghurado bilang virtual judge sa Your Face Sounds Familiar, balik in the flesh sa taping ng nasabing singing impersonation show ang megastar na si Sharon Cuneta last Sunday.

Pero, umani ng samu’t-saring reaksyon sa mga viewer ang kanyang pagbabalik bilang judge.

Nakasuot kasi ng revealing outfit ang singer-actress .

Ang nakakaloka pa, blurred ang image ng kanyang dibdib sa TV.

Hirit ng mga netizen, na-SPG daw ng MTRCB si Sharon dahil sa kanyang low plunging neckline.

Sey naman ng ilan, na-blur daw ito dahil di ubra ang nasabing regulatory body o bilang bahagi na rin ng self-regulation ng network.

Pansin naman ng iba, wa care na raw si Sharon sa sasabihin ng mga moralista.

Viral naman ang photos na in-upload ng Megastar sa kanyang Instagram featuring her Balmain look.

Kapansin-pansin ang kanyang sexy at kabogerang photos kung saan proud niyang ibinandera ang kanyang pagiging slim.

Pang-ookray naman ng iba,bagay daw ang image niya sa promo ng kanyang movie na Revirginized.

Carla, ginagastusan si Tom

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Carla Abellana ang kanyang mga sikreto sa unang bahagi ng episode na 10 Things That People Don’t Know About Me.

Ani Carla, hindi raw alam ng karamihan na may white tattoo siya sa paa na hindi nakikita ng mga tao.

Napatungan na raw ito ng reddish tattoo na ipinagawa niya dahil hindi nga siya ganoon ka-visible.

Inamin din niya na kuripot din siya pagdating sa sarili.

Itinuturing naman niyang plus ito dahil nakakaipon daw siya.

Katunayan, kahit daw sa repairs sa bahay, ang kina-canvas daw niya ay iyong pinakamura.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi naman siya nagtitipid pagdating sa mga materyales kung may repairs.

SM food to go Banner Ad

Pero, pagdating daw naman sa pagreregalo sa fiancé na si Tom Rodriguez at sa kanyang mga mahal sa buhay ay magastos siya.

Aniya, nagreregalo raw siya kahit walang okasyon kung feel niya.

Sinabi rin ni Carla na dati-rati ay lamigin siya pero dahil sa kundisyon niyang hypothyroidism ay naging pawisin na siya.

Nakakatagal din daw siya na hindi pumopoo ng isang linggo dahil constipated daw siya.

Mahilig din daw manood ng horror movies pero hindi raw siya makatulog kapag patay ang ilaw o hindi bukas ang TV.

Bea buking ang sikreto

Bilang Mother’s Day treat sa kanyang YouTube followers, kumasa si Bea Alonzo sa “Never Have I Ever ” challenge kasama ang kanyang mom na si Mary Anne Ranollo.

Sey ni Bea, never pa raw siyang na-involve sa fling o one-night stand.

Hirit naman ng kanyang mom, nagawa na raw niya ito noong kabataan niya.

Never pa rin daw nakaranas si Bea na haranahin siya ng manliligaw na kabaligtaran sa kanyang ina na alas singko pa lang ng umaga ay may umaakyat na ng ligaw noon sa Batangas.

Sa tanong naman na “Never have I ever na

nakipaglambutsingan o makipag-‘make out’ sa loob ng kotse.,”never pa raw niya itong nasusubukan ayon kay Madam M.

“Ay never, kahit ganito naman hitsura ko,” sey ng Mom ni Bea.

Ikinaloka naman ni Madam M ang naging rebelasyon ni Bea sa tanong.

“Oo, ako I have sa car,” pagbubunyag ni Bea.

“Oh my God, Bea Alonzo!” ,reaksyon ni Madame M.

Sa pagkakabunyag ng kanyang sikreto,naging guessing game tuloy sa mga netizen kung kanino kina Zanjoe,Gerald o Dominic ang tinutukoy na nakalambutsingan ng aktres sa kotse.

Leave A Reply

Your email address will not be published.