Abante Tonite Interactive

Sharon nanawagan ng tulong para sa batang may leukemia

By
3,031

HINDI pa natatapos si Sharon Cuneta sa panawagan sa kanyang fans para tumulong sa kapwa. Ni-repost ni Sharon sa kanyang Instagram ang posting ni Christine Babao tungkol sa isang 10-year-old boy na si Glenn na may leukemia.

Nagbebenta ng homemade cookies ang bata para pandagdag funds nito sa kanyang chemotherapy.

Ginamit nga ng megastar ang kanyang IG account para iposte ang panawagang tulong sa bata na may sakit. Mababasa sa IG caption ng posting ni Sharon ang contact number kung paano makakabili ng homemade cookies nito.

Hindi pa nagkasya si Sharon, inulit niya ang posting para ipaalala sa lahat ng kanyang followers ang pangangailangan ng batang si Glenn.

Bukod sa quotations ni Sharon tungkol sa buhay, ang advocacy niyang makatulong sa Marawi at sa batang si Glenn ang laman ng kanyang IG posts nitong mga nakaraang araw.

Mula nung mag-birthday ang megastar sunod-sunod na ang pagdagsa ng mga donasyon para sa proyekto niya sa Marawi. Hindi na kami magtataka kung bukod sa pagbibigay ng sarili niyang monetary assistance sa bata, pinakyaw na rin niya ang lahat ng cookies na tinda ni Glenn.

Kaya inuulan ng biyaya si Sharon dahil sa pagkakaroon niya ng puso para sa mga nangangailangan.